On-The-Spot Q&A with John Prats
By: Allan S. Diones
From: Teen Movie Magazine   [July 2000]


    Ang cutie pie na si John Prats ang ating featured On-The-Spot star this week. Si John na nag-start as one of the talented and energetic Ang TV kids a few years ago. From there ay naging part din siya ng ibang teen shows ng Dos like Kaybol and Cyberkada.

    As of now ay isa siya sa mga bagets na bida sa youth-oriented show ng ABS every Saturday afternoon - ang G-mik. Ang guwaping na kuya ni Camille ang sinasabing isa sa mga future heartthrobs and matinee idols of the new generation.

    John is now 16 years old at lalo siyang gumuguwapo habang nagbibinata, kaya naman he's so popular among teenage girls. But aside from his good looks ay may ibubuga rin siya sa acting. In the last Star Awards for TV ay na-nominate siya sa category na Best Single Performance by an Actor in a Drama for his performance in an episode of Maalaala Mo Kaya.

    O siya, hindi na namin patatagalin. Pahiritin na natin ang ating guwaping na bida. Here's our 20 Questions with John...

  1. What's the first thing you do when you wake up in the morning?

        "Ako kasi, pagkagising ko talaga, simula noon pa, diretso na talaga ako sa kubeta! Ha! Ha! Ha! Diretso sa CR, tapos naghihilamos na 'ko, nagtu-toothbrush, naliligo, dire-diretso na. Gusto ko kasi, paggising ko ng umaga, mabilis ang pangyayari. So pagkagaling ko sa CR, tuloy sa kuwarto, tapos bihis na, alis na! Ganu'n ako."

  2. What's the last thing you do before you sleep at night?

        "Last thing? Siguro, mag-text bago mag-pray. Kasi pag gabi, may nagte-text pa sa akin, eh. So ite-text ko muna, tapos pag inaantok na 'ko, magdadasal na 'ko."

  3. What really makes you happy?

        "Mababaw lang kasi 'ko, eh. Masaya na 'ko 'pag nagna-No.1 kami sa G-mik, pag mataas ratings namin. 'Tsaka masaya 'ko pag lahat masaya. Parang, siyempre, masaya na rin ako pag gano'n. Ganu'n lang ako. Mababaw."

  4. What really makes you depressed?

        "Siguro pag may friend ako na na-depress, makiki-depress din ako. 'Tsaka ako 'yung tipo ng tao na kapag may problema, pino-problema ko na rin. 'Yung parang karamay niya 'ko sa lahat. Sa akin naman, ang greatest siguro na nakapag-depress sa akin, eh, nu'ng feeling ko napag-iwanan na 'ko sa Kaybol noon. 'Yun bang ang tagal ko na sa showbiz, sabihin na nating 5 years na 'ko, tapos biglang may mga bagong nagsulputan, sila nabibigyan ng break, ako nandito pa rin at naghihintay! 'Yon."

  5. What provokes your anger?

        "Ako kasi, hindi ako ganu'n kadaling magalit, eh. Hindi ko pa nakikita kung paano 'ko magalit. Wala pa 'yung point na nagalit talaga 'ko. So ako sa sarili ko, hindi ko alam kung pa'no 'ko magalit talaga."

  6. Who do you think is the most powerful person in the world today?

        "Sa tingin ko si Bill Gates! Kasi siya ang gumawa ng Microsoft at sobrang talino niya. Anytime, puwede niyang nakawin lahat ng pera sa banko, i-access lang niya 'yon, di ba? Kaya powerful siya sa 'kin. Kaya niyang gawin kahit anong gusto niya!"

  7. Describe yourself when you're at home.

        "Ako kasi pag nasa bahay lang ako, naka-T-shirt 'tsaka shorts lang, eh. 'Yun lang. Tapos ang ginagawa ko, nagpe-Playstation, natutulog, nagre-rent ng tapes, nanonood ng movies, mga gano'n. Hindi kasi ako magimik, eh."

  8. If you're bestfriend were to describe you, how would it be?

        "Siguro ide-describe niya 'ko as dependable, kasi anytime, puwede niya 'kong sabihan ng problema, secrets niya, gano'n. Sabihin niya sa akin 'yung crush niya, sasabihin ko sa iba. Hindi...siyempre itatago ko 'yon. Basta sa kahit ano, matutulungan ko siya. Nandiyan lang ako."

  9. If you could trade places with anyone in the world, with whom would you swap?

        "Siguro si Bill Gates din. Para maranasan ko naman 'yung maraming-maraming pera, di ba? 'Tsaka si Bill Clinton! Para maging presidente na rin ako. At saka para makita ko na rin si Lewinsky! Titingnan ko kung mabait siya talaga sa personal. Kasi gusto ko siyang maging kaibigan, eh. Ha! Ha! Ha! Ha!"

  10. Do you believe in ghosts?

        "No. Ako kasi, hangga't hindi pa ako nakakakita, hindi ako maniniwala. Alam kong may mga souls, pero 'yung ghost na nagpapakita, wala! Hindi ako naniniwala. Pag nakakita 'ko, doon ako maniniwala!" (Smiles)

  11. If you found a genie, what would be your three wishes?

        "First, gumanda ang career ko. Second, peace on earth. Tapos, third, bigyan niya pa 'ko ng tatlong wishes! Puwede 'yon! Wish nga, eh!"

  12. What is it about being under 18 that you hate most?

        "Wala. Kasi masarap, eh, nage-enjoy ako. Ako kasi, mas gusto ko 'yung bata ako. Ayokong tumanda, dahil sabi nga nila, pag tumatanda ka, pabigat nang pabigat ang problema mo. So ayoko munang mag-18 dahil hindi pa 'ko ready. Nage-enjoy pa 'ko sa ganito. So wala akong ayaw."

  13. What's your shoe size?

        "8 1/2 (inches)!"

  14. Shirt size?

        "Medium!"

  15. Pants size?

        "29 (inches)!"

  16. If you can get trapped with 3 girls in an elevator for 6 hours, who would they be?

        "Bianca Araneta, Donita Rose and Drew Barrymore! Si Bianca beacause she's so pretty. Donita, she's gorgeous. Si Drew, kasi pretty rin siya 'tsaka iba 'yung beauty niya, 'di ba? Anong gagawin namin? Wala, magkukuwentuhan kami!"

  17. What do you wear to bed?

        "Shorts din, tsaka, T-shirt!"

  18. What part of your body are you most proud of?

        "My muscles! Hindi, joke lang! Ha! Ha! Ha! Siguro ano, kamay ko! Kasi nakaka-grip na ako ng bola ng basketball, eh. Ang babaw 'no? Nakakahawak na 'ko ng bola, ibig sabihin, malakas ang grip ko!"

  19. Describe yourself in 3 words.

        "Simple, mabait and torpe! Oo, torpe 'ko! Ha! Ha! Ha! Ha!"

  20. If you weren't a moviestar, what would you rather be doing?

        "Studying lang siguro, pero pag-graduate ko, gusto kong maging pilot! Wala lang, gusto ko kasing magpalipad ng eroplano, eh. 'Tsaka pag nakasakay ako ng eroplano, parang...ang sarap! So 'yun ang dream ko talaga, pilot!


list all articles