Up Close and Personal with John Prats
By: Tonee Coraza
From: Teenstars   [March 27, 2001]


    Obvious na si John Prats ang nangunguna sa grupong JCS nila nina Carlo Aquino at Stefano Mori at hindi nakapagtataka 'yon dahil siya ang pinaka-guwaping sa tatlo. Siya rin ang may pinakamaraming fans at marami ang nagsasabing siya ang younger version ni Aga Muhlach.

    Saksi ang Teen Stars sa rami ng fan mails na dumarating sa opisina at nagre-request ng mga write-ups at photos niya.

    Sa ngayon, laging napapanood ang guwapong bagets sa G-mik, ASAP at sa bagong show na Da Body En Da Guard kung saan kasama niya si Aga at ang ever crush niyang si Joyce Jimenez na makakasama niya rito sa pelikulang "Sila Ang Latest...Pass It On" under Star Cinema.

    Nang magkaroon kami ng pagkakataong makatsikahan si John ay marami kaming itinanong sa kanya na tiyak interesado kayong malaman and we assure the fans na kikiligin sila sa isasagot ng kanilang idolo. Here is John Prats talking about himself, girls, sex and everything...Read on and find out if you have what it takes to be the girl of John's dreams...

What is your body measurement?

    "Ang alam ko, medyo maliit ako para sa age ko. I'm 16 years old and my height is only 5'4". My weight is 120 lbs, ang gaan no? Tapos, 27" ang waistline ko. Hindi ko alam ang sukat ng dibdib ko at buttocks, siguro dahil wala pa naman akong dibdib. Medyo wala pang porma ang katawan ko, diretso pa kaya nakakahiyang ipakita. He! He! He!"

Do you go to gym?

    "Hindi pa. Kapag 18 or 19 years old na ako saka na ako magdyi-gym. Sabi kasi nila kapag bata ka raw nagstart mag-gym ay possible na matigil ang pagtaas. I mean, baka hindi na ako tuluyang tumangkad pa. Sabi nila ay puwede pa raw akong umabot ng 5'8" dahil 16 pa lang naman ako. Hanggang 21 years old pa raw ang pagtangkad ng lalaki."

Do you think you're sexy?

    "Para sa akin hindi pa talaga dahil wala pang shape ang katawan ko. Kaya nga nagugulat ako kapag may nagsasabi sa akin na sexy ako. Sabi ko saan? Hindi ko kasi makita 'yon at maramdaman."

In a scale of 1-10, how would you rate yourself?

    "Siguro 7. Hindi ko pa kasi nate-test ang sex appeal ko but so far, okey naman sa akin ang mga babae. They like me so maybe may isang bagay sa akin na nakaka-attract sa kanila."

What do you think is your greatest physical asset?

    "Sa tingin ko 'yung chest ko. Maganda kasi ito lalo na kung madedevelop ito nang husto at magkaroon ng porma."

How many times do you take a shower?

    "At least twice a day. Una ko munang sina-shampoo ang buhok ko bago 'yung katawan ko. Kapag summer halos 5 times yata akong naliligo. Gusto ko lagi akong fresh-looking eh!"

What brand of underwear do you use?

    "Iba-iba. May Tommy Hilfiger, Polo, Abercrombie and Fitch. gusto ko puro white briefs ang isinusuot ko. Ayoko ng colored underwear."

What part of your body can get you tickled easily?

    "May kiliti ako sa leeg, sa baywang at kung saan-saan pa. Ayoko ng kinikiliti. Nawawala ang poise ko kapag kinikiliti ako. Hindi ko ma-control ang sarili ko."

How many girlfriends did you have?

    "Isa pa lang. Hindi siya taga-showbiz at two months lang kami nagtagal. Hindi nag-workout ang relationship namin kasi gusto niya lagi kaming magkasama which is hindi puwede dahil may trabaho nga ako. Wala kaming choice kundi maghiwalay na lang. Kung magkakaroon siguro ulit ako ng girlfriend, gusto ko 'yung maiintindihan ang trabaho ko at hindi possessive."

What will it take to win his heart?

    "I like girls with a good sense of humor at siyempre dapat pretty. Gusto ko 'yung lagi kaming may pinagu-usapan anything under the sun. 'Yung tipo bang hindi ako mabo-bored when I'm with her. Siyempre, gusto ko rin 'yung may good family values."

What is the first thing that he look at when he meet a girl?

    "Her face tapos 'yung skin niya kung flawless at 'yung curves ng katawan niya."

What turns you on?

    "Attracted ako sa girls na matatangkad lalo na 'yung may makikinis na legs."

What turns you off?

    "Ayoko ng girls na aggressive, 'yung tipong sila ang nanliligaw sa lalaki."

How do you court a girl?

    "Sweet ako sa girl eh. Gusto 'yung bine-baby ko siya. 'Yung lagi ko siyang tinatanong kung kumain na ba siya, 'yung mga ganoong bagay ba? At saka gusto ko 'yung may thrill kapag may pinopormahan ako para may challenge."

Name the 3 most beautiful girls in your list and why you chose them?

    1. Joyce Jimenez - I really like her face and her eyes. She's so sexy!
    2. Gwyneth Paltrow - Ang lakas ng appeal niya sa akin kahit payat siya.
    3. KC Concepcion - I like her eyes, nose, lips. I like her charm. She's almost perfect.

What is your advice to girls who want to win your heart?

    "Just be yourself. Mahirap kasi sa tao 'yung nagpi-pretend. Dapat kung ano sila 'yun ipakita nila. Magpakatoto sila dapat."

    There you go folks! Hope nag-enjoy kayo dito as much as we enjoy to John. We're pretty sure kinilig kayo sa kanya.


list all articles