Heart-John: Perfect Combination!
By: Andie B. Desuyo
From: Super Teen Magazine   [November 28, 2002]


    Kinukulit ng mga press ang real score sa pagitan nina John Prats at Heart Evangelista. Pinagdidiinan ng dalawang bida sa bagong show ng Dos sa "Berks" na wala pa raw silang relasyon.

    Sey pa ni John Prats ay hindi pa nga raw niya nililigawan si Heart. Pero hindi rin naman itinatanggi ng guwapong bagets na si John na bukod sa special ang treatment na ibinibigay niya sa lahat ng pagkakataon kay Heart ay alam naman daw ng dalaga na may "special place" na raw ito sa puso ni John.

    "Ang alam ko kasi pag nanliligaw ang isang tao, eh, pinapakita mo lahat sa kanya ang mga good sides mo di ba?" umpisang balik-tanong pa agad sa amin ni John.

    "Kay Heart naman kasi, sa loob ng apat na taon na magkakilala kami, eh, halos lahat ng mga moods ko, eh, alam na niya. 'Yung pagkagising ko sa umaga, suplado ako, alam na ni Heart 'yan. E, di ba pag nagpapa-good shot ka sa nililigawan mo, eh, kahit na wala ka sa mood, eh, kailangang maganda ang ipapakita mo di ba?"

    "Kay Heart,eh, hindi. Sa akin lang kasi, gusto ko, pag naging kami na, eh, kilala na niya kung ano ako talaga ang mga ugali ko," dugtong pa ring pag-amin sa amin ni John.

    Ang isda ay nahuhuli sa bibig nito. Sa takbo ng mga sinasabi ng isang John Prats, hindi kaya napagu-usapan lang nilang dalawa ni Heart na ililihim muna ang panliligaw niya?

    "Ako, kasi, eh, nag-usap na kami ni Heart. Bata pa kami, kaya parang hindi pa napapanahon ang mga bagay na 'yan. Katulad ng sinabi ni Heart, we are just enjoying what we are today but we are open pa rin naman sa isa't-isa."

    "Kumbaga, kahit ano puwede naming pag-usapan. Like ako sasabihin ko sa kanya na may crush ako sa school o kahit na sino, eh, puwede kong sabihin sa kanya at ganu'n din naman siya sa akin. So, ganu'n ang relasyon namin."

    Maganda si Heart at hindi rin naman kaila kay John na marami ang may lihim na nagkakagusto sa dalaga. Hindi kaya siya magseselos kung sasabihin ni Heart sa kanya na may mga gustong manligaw sa ka-loveteam niyang ito?

    "Hindi naman," diretsong kasagutan pa agad sa amin ni John Prats.

    Ni minsan ba ay hindi pa nag-attempt ang isang John Prats na ligawan si Heart?

    "Hindi ako nanliligaw kasi ako ang taong hindi nanliligaw," panliligaw pang kasagutan pa sa amin ng young aktor.

    "Ako aksi 'pag gusto ko ang isang tao, eh, nararamdaman niya 'yun. Kasi ako 'yung tao na hindi naniniwala sa ligaw ligaw. 'Pag gusto ko isang tao, eh, gusto ko siya. Malalaman niya 'yun," lahad pa rin sa amin ni John.

    Hindi rin naman itinatago ni John na una pa lang daw niyang nakita si Heart ay alam na raw agad ng dalaga na "crush" niya ito.

    "Nung panahon ng "G-mik", eh, wala akong ka-loveteam tapos nakita kong nag-audition si Heart. Sabi ko sa sarili ko ang ganda ng chick na 'yun. Sobrang tsinita kasi ang mga crushes ko. Kaya lang nung naging magka-loveteam na kami, eh, nalaman kong sobrang strict ng Dad niya at naging "friend" ko rin naman."

    "So, parang nahihiya na ako kaya hindi ako nag-attempt na manligaw sa kanya pero ipinapakita ko na lang kay Heart kung anong klaseng tao ako. Basta hindi ako nanligaw dahil bata pa nga kami at ayaw pa ng Dad niya, sey pa rin ni John Prats.

    Sa palagay kaya ng isang John Prats ay siya ang magiging first boyfriend ni Heart Evangelista?

    "I hope sana di ba? Sana nga ako ang sasagutin niya pagdating ng panahon na puwede na ang ligawan di ba?" balik tanong pa sa amin ni John.

    Hindi rin naman itinatanggi ni John na maraming bagay na magkasundo silang dalawa ni Heart Evangelista.

    "Sobrang berks talaga kami, ang dami naming hilig na pareho naming gusto. Siguro dahil same birthday kami. Pareho kaming Feb. 14 di ba? 1984 lang ako siya naman 1985. Pero same birthday di ba? Kaya bagay kaming dalawa," napatawa pang sabi pa sa amin ni John.

    Si Kris Aquino ay Feb. 14 din ang birthday, so, bagay pa rin silang dalawa?

    "Puwede pero matanda na siya para sa akin," pagtatapos pa ni John Prats na makikilala bilang si Javie ng "Berks".


list all articles