Excited si John para sa "It Might Be You"
By: Billy Balbastro
From: Abante Tonite   [December 05, 2003]


    Excited si John Prats dahil for the first time, meron na siyang soap, ang bagong It Might Be You ng ABS-CBN na nagsisimula sa December 8. Next week na iyan.

    Dati-rati, once a week lang ang taping niya para sa G-mik at Berks. Ngayon, siya ay si Giancarlo, ang loyal friend nina Lawrence (John Lloyd Cruz) at Cielo (Bea Alonzo).

    Magkasama silang tatlo sa pelikulang My First Romance na isang hit two months ago. Kaya marami ang nagtatanong kung bakit wala si Heart Evangelista rito.

    Hindi alam ni John kung paano sagutin ang mga katanungan. Baka ipapahinga muna ang love team nila. O baka may ibang raket si Heart.

    Kahit tatlong araw (Martes, Biyernes, Sabado) ang taping nila at sa Pampanga at Bulacan pa yata, tuloy pa rin ang pag-aaral ni John.

    Second year business management student sa THAMES si John at three days a week ang klase niya Monday, Wednesday, Friday. Nagte-taping lang daw siya kung libre na siya sa school.

    Sabi ni John, nahirapan siya sa taping ng pilot episode ng It Might Be You. Dahil pilot, pinaganda raw talaga. More than four days ang taping nito.

    Anyway, he is looking forward daw sa kanilang Christmas vacation in the US ng buong pamilya, pati na si Camille. Aalis sila sa December 21 at mag-i-stay sila sa Los Angeles sa tita nila.


list all articles