John & Hawk Bags, Solid!
[May 2003]


    Walang iwanan sina John Prats at Hawk Bags dahil sa pagse-celebrate ng Hawk ng 25th year, si John pa rin ang ang kinuha nilang endorser. Malaking bagay sa mga taga-Hawk ang wholesome image ng actor, kaya, 'di nila ito pinapalitang endorser.

    Sa pagse-celebrate ng Hawk ng kanilang anibersaryo sa June 01 sa SM Megamall ay darating si John para makisaya at i-promote ang bag. Ipinagmalaki ni John na nanalo ng Outstanding Daypack Backpack Award ang Hawk sa nakaraang Asia Pacific Excellence Award.

    Bibilib ka kay John dahil kahit busy sa Berks, sa ASAP Mania at sa shooting ng launching movie nila ni Heart Evangelista na First Romance, hindi pa rin pinababayaan ang pag-aaral. Second year college na siya Thames International Business School at determinadong tapusin ang kanyang pag-aaral.

    "Kaya kong pagsabayin ang career at studies ko, nasa proper management lang 'yun. It helps na co-manager ko ang daddy ko, open kami and he asks for my suggestions. It helps din na wala akong lovelife, nag-break kammi ng girlfriend ko last October dahil nagselos kay Heart."

    "Hindi niya maintindihan kug bakit swet kami sa mga pictorial at sa TV. Hindi kami ni Heart, we just enjoy each other's company, pero, pag-three days na 'di ko siya nakikita'y nami-mmiss ko siya." amin ni John.

    Bandang August ang showing ng kanilang launching movie na ang title ay mula sa kantang "Please Be Careful With My Heart" ni Jose Mari Chan. Typical love story daw ito at parang mga pelikula nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual.

    Happy pala si John sa magandang rating ng Berks. Sa ipinakita sa aming result ng rating ng Berks at Click, nakaka-ungos ang Berks. Sa Metro Manila'y 18.9% ang Berks at 13.5% naman ang Click. Sa suburbs, 17.0% ang Berks at 16.1% ang Click.


list all articles