John at Heart break na,
hindi pa man nagiging mag-on

By: Ricky Calderon
From: www.silangan-shimbun.com   [May 2003]


    Nagulat si John Prats sa balitang lumabas sa isang tabloid na break na sila ni Heart Evangelista. Si Heart pa raw mismo ang nagpakita sa kanya ng diyaryo at maging ang dalaga ay nag-react sa nabasa.

    Paano raw sila magbi-break eh hindi pa naman daw sila 'on' ni Heart. Magkaibigan lang daw sila up to now. Hindi naman daw siya nanliligaw sa ka-love team pero alam daw niya na special ang friendship nila. Enjoy daw siya sa friendship nila ni Heart at gusto muna niya na i-enjoy ito.

    Ayaw naman daw niya ligawan si Heart kung alam niyang 'di pa siya handa na makipag-relasyon at baka ang maging ending lang nito ay lokohin lang niya ang dalaga kung 'di pa siya sure sa feelings niya rito.

    Masaya si John dahil kamakailan ay nag-renew siya ng kontrata sa Hawk bag bilang image model. Ito na ang ikalimang taon na niya bilang endorser ng nasabing product na bagay na bagay sa mga bagets ngayong pasukan.

    Isa pa, silver anniversary ng Hawk bag ngayon kaya naman maraming plano ang naghihintay kay John at sa mga may-ari ng Hawk bag para lalo pang mailapit sa publiko ang produkto.

    Kamakailan ay nagwagi na Outstanding Daypack Backpack ang Hawk bag kaya naman tuwang-tuwa ang mga owners ng Hawk bag dahil patuloy na tinatangkilik ang produkto. Pang-masa kasi ito at malaki rin ang naitutulong ni John dahil sa kanyang wholesome image ay marami ang nakaka-relate sa produkto.

    Happy rin si John dahil malapit na nilang simulan ni Heart ang kanilang launching movie titled "First Romance" na biggest break nila as a team. Hindi nga raw akalain ni John na this early ay bibigyan sila ng chance ng Star Cinema para magbida dahil 'di pa naman daw ganoon ka-established ang tambalan nila.

    Pero thankful si John dahil naisip ng Star Cinema na bigyan na sila ng pelikula ni Heart. Malakas ang paniwala ng Star Cinema na hinog na sina John at Heart para ilunsad bilang loveteam sa pelikula.


list all articles