John Pratts, may bagong ka-loveteam
From: www.kabayanonline.com    [December 19, 2003]


    MAY bago ng ka-loveteam ang young actor na si John Pratts dahil talagang tsugi na ang tambalan nila ni Heart Evangelista. Tinigbak na ang parehang ito dahil kulang sa kilig factor at halos wala raw sa kalahati ng tambalang Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

    Okay naman sana si Heart at John kaya lang tipong kulang sa hatak, kaya nagpasya ang istudyo na bigyan ng bagong partner ang young actor sa katauhan ng baguhang si Maja Salvador. Pamangkin ito ni Philip Salvador at anak ng kapatid niyang si Ross. Ngayon pa lamang ay marmai na ang umaasa na magki-click ang bagong tambalang ito dahil sa kakaibang karisma na taglay ni Maja at sa magandang chemisry nila ni John.


list all articles