John Pratts, naninibugho kay Lucky
By: Aya Martinez
From: www.kabayanonline.com    [August 07, 2003]


    BALITANG selos na selos daw ang utol ni Camille Pratts na si John Pratts kay Luis Lucky Manzano dahil sa balitang nagkakamabutihan na ito at ang kaloveteam niyang si Heart Evangelista.

    Ayon naman sa young actor, totoong nagseselos siya pero di naman sobra. Wala naman daw silang commitment ng young actress kaya libre itong tumanggap ng mga manliligaw.

    Nakakaselos lang daw kasi malilipat na ang pansin ni Heart sa iba na dati ay siya lang ang nag-eenjoy. Very close na rin kasi sila ng kanyang kapareha at masaya siya sa company ng dalaga na halos araw-araw niyang kasama sa trabaho.


list all articles