Kilig na Kilig kay John Prats
From: Abante [November 11, 2003]


    Nag-umpisa si John Prats bilang regular cast ng Ang TV. Noon pa lang, nakita na ang talent niya sa pagsayaw at pag-arte. Marami na ring pelikulang nagawa si John, at ilan lang ang Batang X, Trip at Tanging Yaman. Sa Tanging Yaman, sina Gloria Romero, Dina Bonnevie, Joel Torre, Edu Manzano, Hilda Koronel, Johnny Delgado at Cherry Pie Picache ang mga ka-eksena niya.

    19 na ngayon si John at marami na ang kinikilig sa kanya. Si John ang ka-loveteam ni Heart Evangelista, pero marami sa mga fans niya ang gusto na makita siya bilang versatile na aktor, dahil sayang naman ang talento niya sa pag-arte.

    Hinihintay ni John ngayon ang pagkakataon na maipakita pa niya ang kanyang kakayahan sa pag-arte, at nagsusumikap din siya ngayon na matapos ang pag-aaral sa Thames, International School. Nakakatuwa na isa si John sa mga artista na nakukuhang pagsabayin ang pag-aaral at pagsho-showbiz.

    Ang ilan sa mga show ni John ngayon sa TV ay ang Berks at ASAP Mania. Dagsa rin ang mga ini-endorse niyang produkto tulad ng Bench at Hawk bags.


list all articles