Labulabo ng John-Heart at John Lloyd-Bea fans!
From: People's Tonight   [October 30, 2003]


    Talagang labanan ng two loveteams ang nangyari noong premiere night ng My First Romance sa SM Megamall last Tuesday. Ang fans nina John Prats-Heart Evangelista at John Lloyd Cruz-Bea Alonzo ay ayaw paawat in proving that their respective favorite tandems is the better and more popular one.

    Kaya, katakut-takot na sigawan, palakpakan at iringan ang naganap sa sinehan. Sa totoo lang, ‘di mo mawari kung sino nga sa dalawang team ang nakakaungos.

    As far as the movie is concerned, walang itulak-kabigin kung contents at pagkakayari ang pagbabatayan. At their age, magagaling nang performer sina John, Heart, John Lloyd at Bea. Kuwela sa kanilang comedy acts sina John at Heart sa kanilang episode. Mapapaiyak ka sa dramatic scenes nina John Lloyd at Bea.

    Ipinakita ng mga direktor ng twinbill, sina John-D Lazatin (One Love) and Don Cuaresma (Two Hearts), na malaki ang kanilang promise sa propesyong pinili. It pays that they themselves are still young. Kaya, kuhang-kuha nila ang kiliti ng mga manonood, lalo’t kabataan.

    Star Cinema, producer ng My First Romance, proved na trendsetter sila talaga. It has been quite a while before local moviegoers were treated to a twinbill - with My First Romance, makaka-buy-1-take-1 ang manonood.

    My First Romance also proved that loveteams are here to stay.


list all articles