Angel Locsin , nag-audition noon sa G-MIK para makaloveteam ni JOHN PRATTS!
[December 2004]


    May nakaraan pala sina Angel Locsin at John Prats pero, hindi romantic past ang tinutukoy namin. Walang dapat ipag-react ang fans nina John at Heart Evangelista at followers nina Angel at Richard Gutierrez.

    Ang tinutukoy naming past ng dalawa'y muntik silang magkapareha. Nag-audition si Angel sa Gimik ng ABS-CBN noon para maka-love team ni John. Hindi lang siya sinuwerteng mapili dahil si Heart ang ginawang ka-love team ni John.

    Ipinaalala ito ni Angel kay John nang magkasama sila sa Mano Po 3: My Love. Hindi makapaniwala si John na si Angel ang na-reject niyang ka-love team. Sa Mano Po 3, wala silang eksenang magkasama. Ang role ni Angel ay isa sa mga anak ni Vilma Santos at si John nama'y young Jay Manalo na magiging asawa ni Vilma.