John denies having a GF
From: Journal.com.ph [June 06, 2004]


    As expected, nag-deny si John Prats na nanliligaw kay, o girlfriend niya si Jenny Hernandez na nakitang ka-holding-hands nito sa harap ng isang bar sa Greenbelt 4. Friends lang daw sila ng dalaga. Sige na nga, lalabas din naman ang totoo 'pag nag-break na sila.

    Inisip na lang namin na may kinalaman ang pagdi-deny ni John sa loveteam nila ni Maja Salvador na bini-build-up sa It Might Be You. Madidiskaril nga naman ang tambalan nila ni Maja kung mali-link sa iba ang young actor.

    Incidentally, kahit busy sa IMBY at ASAP Mania, hindi pinababayaan ni John ang kanyang pag-aaral. Naka-enroll siya ng Business Management sa Thames International Business School at desididong tapusin ang studies.

    Ang pagiging active sa showbiz at 'di pagpapabaya sa pag-aaral ang mga dahilan kung bakit in-demand siya sa mga advertiser at producer. Nag-renew siyang endorser ng Hawk Bags, na matagal na niyang ini-endorse.


list all articles