John, hapi na kay Maja
By: Liza Endaya
From: Bulgar   [July 2004]


    Matagal na pa lang magkakilala at nagkasama pa noon sa Ang TV sina John Prats at Geoff Eigenmann. Kaya kung pinagtapat man sila over Heart Evangelista, mas umiiral ang kanilang pinagsamahan noon kesa magpa-apekto sa mga intriga sa kanila ngayon.

    "Kilala ko si Geoff, mabait si Geoff. Nung huli ko siyang makita, bata pa kami, sa Ang TV," ayon kay John.

    Former at present ka-loveteam kasi ang mga ito ni Heart, that's why. At syempre, di maiiwasang maipagkumpara ang dalawa. Mismong si Heart nga ang nagsabing finally ay nagtagpuan na niya ang kanyang ka-loveteam na talagang bagay sa kanya in the person of Geoff.

    Kaya naman, curious ang lahat sa magiging reaksyon ni John tungkol doon.

    "Ka-swak niya? Ako rin, e, nakita ko na yung ka-love team ko. Okey naman, at least I'm happy for her na ganon. Wala namang kaso yun, okey lang. Ayos lang," very cool at kaswal sa sinabi ni Heart.

    At kung marami man ang nagsasabing baka mauwi rin sa magandang samahan ang partnership nina Heart at Geoff on screen, "Ayoko kasing mag-comment sa kanila, sa kanila yun, eh. Basta ako, happy ako ngayon kay Maja, kuntento," pagtatapat pa ni John.

    Si Maja Salvador ang ka-lovetam ni John sa It Might Be You. And in fairness, bagay din silang dalawa at maganda ang chemistry nila sa harap ng kamera. Puring-puri ni John ang kanyang bagong ka-loveteam.

    "Mabait, sobrang bait. Pag kausap mo, talagang matalino. Masarap kausap kasi may sense. Kahit ano, puwede nyong pag-usapan," description pa ng aktor sa kanyang partner.

    Samantala, nang hiningan naman ng reaction si Geoff tungkol sa sinabi ni Geeff tungkol sa sinabi ni Heart, "Siyempre, sobrang flattered ako, kasi may mga naka-love team na siya before and I guess they're okey. Pero ngayon, according to her, happy siya na nakahanap siya ng bagay sa kanya, so, happy din ako," ayon kay Geoff.

    At nang mabanggit naman sa kanya ang tungkol kay John na dating partner ni Heart, "We don't have any blood naman between us. This is just work, man! Peace tayo, no problem!" mensahe ni Geoff kay John.

    Hindi raw niya gustong maintriga at para sa guwapong anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa, di naman dapat bigyan ng kulay dahil trabaho lang talaga! So there.


list all articles