John on Maja and Heart
(double article)

From: Showbiz Tidbits   [December 07, 2004]


Maja Salvador at John Prats, nagkatampuhan

    Malakas ang bulung-bulongan ngayon na ang magka-loveteam na sina Maja Salvador at John Prats ay nagkatampuhan. Opo, true na meron silang misunderstanding. Kahit sinong tao tatanungin, halata na hindi nagpapansinan ang dalawang young stars ng It Might Be You. May balita pa di umano na napaiyak si Maja ng dahil kay John. Ang hindi pa natin alam ngayon ay kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang tampuhan.


* * * * *

John at Heart muling nag-date

    Marami ang nakakakita na magkasama muli ang mag-ex na sina John Prats at Heart Evangelista. Ayun sa ilang mga sources natin na nakita nila ang dalawang dating lovebirds sa Starbucks Greenhills kasama si Angelica Panganiban ngunit umalis agad si Angie dahil may pinuntahan.

    Sey pa ng source natin na si Heart mismo ang nag-text kay John para matuloy ang nasabing date. Matagal daw nag-usap ang dalawa. Ano kaya ang kanilang pinag-usapan? Malamang ay ang rumors na pagpasok ni John sa teleseryeng, Hiram. Kung saan isa si Heart sa mga important characters doon opposite with Dina Bonnevie, Kris Aquino and Anne Curtis. Eh kung magkatotoo nga ito, paano na si Geoff Eigennman na nababalita ring kursunada niya si Heart? Dagdagan pa natin kay Ahron ang TV Idol champion. Hahay ang haba talaga ng buhok ni Heart ano po?

    Well, tiyak marami ang matutuwa kung sakaling papasok si John sa Hiram. Abangan na lang po natin kung magkakatotoo ang pantasya ng karamihang fans ng dalawa.


list all articles