John in having 2 Teleseryes
  [March 03, 2004]


    Kapag nagkataon magiging dalawa ang soap opera ni John Prats sa ABS-CBN. Nabalitaan naming na magkakaroon ng soap opera si John kung saan makakapareha niyang muli si Heart Evangelista.

    Nasa planning stage na ito bago pa man simulan ang 'It Might Be You' kung saan suporta si John kay John Lloyd Cruz. Nakunan na ang ending ng naturang teleserye kahit ilang buwan pa lang itong nasa ere. Na-establish na kasi ang character ni John kaya imposibleng mawala ito sa 'IMBY'.

    Hindi naman pinipigilan si John ng naturang teleserye na tanggapin ang bagong show na inaalok sa kanya at hindi rin siya papayag na mawala rito kaya kapag nagkataoon, dalawang teleserye and paglalagyan niya.

    "Baka nga ganu'n ang mangyari kung totoong magkakaroon kami ni Heart ng bagong soap. Sinabi na kasi sa amin 'yun dati. Hindi pa man nagsisimula ang IMBY, nakaplano na 'yun. Hindi lang kaagad na-push-through kaya inilagay muna nils ako sa show nina Bea at John Lloyd. Sayang naman kasi kung naka-tengga ako, diba?    


list all articles