John Prats, dini-date si Jeni Hernandez
By: Veronica R. Samio
From: Pilipino STAR Ngayon   [December 12, 2004]


    Akala ng marami na dahilan sa muling nawalan si John Prats ng kapareha in the person of Maja Salvador ay magmumukmok na lamang ito. Second time na itong nawalan siya ng ka-loveteam, nauna na si Heart Evangelista.

    Hindi ganito ang eksena kay John na sa halip na malungkot dahil nag-iisa siyang muli ay ginagawang positibo ang pangyayari dahil, muli, mapapatunayan niya na kaya pala niyang mag-isa, walang ka-loveteam.

    Hindi naman siya nagsosolo sa tunay na buhay, nagdi-date naman siya. Katunayan, inamin niya na dini-date niya si Jeni Hernandez, minsan grupo sila, pero, nakalabas na rin silang dalawa lamang. Nagbu-bowling sila, kumakain o kaya ay nanonood ng sine.

    Sinabi niyang gustung-gusto niya ang innocent look ni Jeni, "Simpleng babae siya na maganda," ani John na isa sa pinarangalan ng ABS-CBN sa pamamagitan ng isang masaganang tanghalian dahilan sa nakasama ito sa Mano Po 3 ng Regal Films para sa MMFF.

    Ang iba pa ay sina Jill Yulo at Marvin Agustin (Spirit of the Glass), Angelica Panganiban, Carlo Aquino, Patrick Garcia (Mano Po 3), Kristine Hermosa (Enteng Kabisote) at Danilo Barrios (Lastikman).


list all articles