John-Heart Teleserye Readied
By: Eric John Salut
[February 11, 2004]


    Inihanda na ng ABS-CBN ang bagong teleserye na magtatampok kina John Prats at Heart Evangelista. Patunay lamang na hindi totoong bubuwagin na ang loveteam. ABS-CBN is elevating the John-Heart loveteam since isasabak ang teleserye sa primetime block.

    Buo na ang creative group na magiging part ng John-Heart teleserye. Inaayos na rin ang cast. Sa March magsisimula ang taping.

    Habang hinihintay ang bagong show, stay put si John sa It Might Be You. Nag-i-enjoy pa si John sa role niya sa John Lloyd Cruz-Bea Alonzo teleserye.

    Dahil kumpirmado na ang John-Heart teleserye, nakikita ko nang nakangiti ang followers ng dalawa. Nalungkot ang mga tagahanga nina John at Heart sa balitang patapos na ang Berks at nangangahulugan daw ito ng pagkawasak ng loveteam. Ang balita ko, sa Feb. 21 ang last taping day ng Berks.


list all articles