John-Jenni affair, buking
by: Nitz Millarez
From: People's Tonight     [May 24, 2004]


    Hindi kilala si Jenni Hernandez nang nakakita sa kanila ni John Prats na very sweet sa labas ng isang bar sa Greenbelt 4 last week. Ang description lang sa mainstay ng MTB Ang Saya Saya ay mas matangkad kay John. Dahil magka-holding-hands, inisip ng mga nakakita (kasama ang source namin) na mag-"on" na sila.

    Na-focus kina John at Jenni ang attention ng aming source, nakalimutan tuloy kung saang bar sa Greenbelt niya nakita ang dalawa. Sinabi ng source na mas maganda sana kung nagkita sina John at Heart Evangelista na kasama naman ang non-showbiz boyfriend, since ang naturang mall sa Makati City ang favorite na puntahan ng aktres.

    Nabalitaan naming may concert sa Music Museum si Jenni. Hindi na kami magugulat kung manood sa show si John. Huwag sabihin ni John na susuportahan niya ang kanyang kaibigan dahil hindi lang sila friends, 'no?

    Sa pagkabuking ng John-Jenni relationship, ibig sabihin ay nakalimutan na ni John si Heart. Sorry na lang sa fans na gustong magkatuluyan ang dalawa.


list all articles