John at Jenni may relasyon
By: Nel Alejandrino
From: People's Tonight [November 10, 2004]


    BINUKU-BUKO ba naman ni Edu Manzano sa mismong upcoming episode ng OK Fine Whatever na more than friends sina John Prats at Jenni Hernandez, na tulad ni Edu ay mainstay ng MTB: Ang Saya Saya on ABS- CBN.

    Well, ganito, more or less, ang nangyari. In last week's taping ng Ok Fine Whatever, guests pareho sina John at Jenni. Ewan kung bakit sa isang eksena, out of the blue ay tinanong ni Edu ang dalawa what's really going on between them.

John and Jenni's faces turned red.

    Well, according to Edu, kaya nabuko niyang may relasyon ang dalawa ay dahil minsan daw na 'di makontak ng parents niya si Jenni, mantakin mo raw na ang tinawagan ng mga ito ay si John.

    Of course, John denied na may relasyon sila when we interviewed him after that. 'Di naman niya ipinagkailang he and Jenni go out together. Pero, para mag-jamming lang daw. Just that.

    No wonder mukhang balewala lang kay John na 'iiwanan' uli siya ng kanyang bagong ka-love team na si Maja Salvador. 'Di ba, namaalam si Maja sa recent episode ng It Might be You?

    Sa story kasi, nakatakdang umalis ng Pilipinas si Maja para mag-aral ng music sa Italy.

    Pero, sa totoo lang, she'll be working on another series, Spirits, which will co-star her with the Anime Boys, composed of Rayver Cruz and John Wayne Sace, among others. Directing Spirits is Chito Roņo.

    For those of you who are not familiar with Jenni, she's the girl in that commercial for a telecommunications company na sumasayaw ng akala mo'y wala nang bukas sa ibabaw ng isang mesa.


list all articles