John Prats, Karylle, inili-link ngayon!
By: Nitz Miralles
From: Pilipino Star Ngayon   [November 21, 2004]


    Panay ang pagba-blush ni John Prats tuwing tinutukso kay Karylle sa presscon ng Mano Po 3: My Love. Nakadagdag sa uneasiness ng young actor na kaharap niya ang singer-actress habang siya’y kinakantyawan ng press.

    "Friends lang kami. Nagulat na lang ako’t pagdating namin galing China, nali-link na kami. Si Mother Lily ang promoter noon pero, naaliw lang siya’t nagawa niyang pagsamahin sa pelikula ang artista ng ABS-CBN at GMA-7," pahayag ni John.

    Inamin nitong naging taga-bitbit siya ng mga pinamili ni Karylle sa China at normal lang daw na tulungan niya ang dalaga sa rami nang pinamili nito. Saka, kahit daw sino ay gagawin ang tumulong lalo na kung babaing gaya ni Karylle.

    If ever matuloy sa relasyon ang panunukso kina John at Karylle, matitigil na ang pang-uurirat kay John tungkol sa dati niyang ka-MU o Mutual Understanding na si Heart Evangelista.


list all articles