John-Maja team-up, tumitindi!
By: Nel Alejandrino
From: People's Tonight   [April 21, 2004]


    Mukhang matindi na rin ang following ng John Prats - Maja Salvador team-up. Lalo't gumaganda ang roles nila sa popular na teleserye na It Might Be You.

    Bagay din kasi ang height ng dalawa. Bagama't 15 lamang si Maja, while John is 20.

    The new discovery na sina John at Maja ay bagay comes when it seems na naa-outgrow na nina John at Heart Evangelista ang isa't isa. John has maintained his boyish look, while Heart is getting matured for her age. Napaka-sophisticated na ni Heart at 19.

    Who knows at maging "it might be you..." nga ang drama nina John at Maja. Tulad ng nangyari kina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, who are the true bida in It Might Be You, na ang chemistry ay nadiskubre lang nang pagsamahin sila sa previous teleserye nila na Kay Tagal Kang Hinintay.

    Maja belongs to the Salvador clan (anak siya ni Ross Rival, half-brother ni Philip Salvador), kaya di nakapagtataka na maganda at marunong siyang umarte.


list all articles