John Prats for Hawk Bags
From: Abante Tonite     [June 07, 2004]



    Samantala, pagdating naman sa bag na ginagamit ng mga estudyante, ang bag na iniendorso ni John Prats ang pinakamabenta. Sa rami ng mga kabataang lalake na gustong tularan ang porma ni John, hindi nga sila nagpahuli sa pagbili ng mga gamit na katulad ng mga gamit ni John.

    Sa kaguwapuhan ni John na mala-Aga Muhlach sa husay niyang sumayaw, hindi na nga kataka-taka ‘yon. Pero, ang maganda kay John, kahit tambak ang kanyang trabaho, hindi pa rin niya nalilimutan ang pag-aaral. Katunayan, nagsusunog siya ng kilay ngayon sa Thames International Business School.

    Ang isang estudyanteng tulad ni John ang karapat-dapat na mag-endorse ng produkto na para sa eskuwelahan, at ‘yun ang dahilan kung bakit muli siyang pinapirma ng kontrata para sa Hawk Bags.

    Ibinigay nga sa karakter ni John bilang estudyante ang mga bago at iba’t ibang disenyo ng bag tulad ng New School Rule Collection, na may auto lock zipper system, utility pockets with Velcro pads na pang-cellphones at MP3 players.


list all articles