Maja bagong girl sa heart ni John
By: Ronald M. Rafer
From: Inside Showbiz   [October 2004]


    May dating na at maraming kinikilig sa loveteam nina John Prats at Maja Salvador na napapanood sa It Might Be You. Maging sa ASAP Mania at sa iba pang programa ng Dos ay sila ang magkatambal. Sa sobrang sweetness at closeness nila, tama ba ang nararamdaman ng publiko na may namumuo nang magandang relasyon sa kanilang dalawa?

    "I find Maja a very nice person. Mabait siya at saka sweet din. Medyo shy at times pero makulit din minsan. I'm proud na nagku-confide siya ng mga problema sa akin, ibig sabihin, may tiwala na siya sa akin."

    "Baguhan pa lang siya kasi sa showbiz, alam mo iyon? Tipong nangangapa pa siya nu'ng una. Wala pa siyang masasabing friend nya dito, ako lang. So, ako naman, I'm a friend to her talaga na anytime tawagan niya at gusto niyang makausap, I'll make sure na 'andun ako sa tabi niya."

    Ayoko namang sirain 'yung tiwala niya sa akin. If ever na maiin-love ako sa kanya, I'll tell it straight to her. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa o kung kanino ko pa idadaan iyon. Kilala ko naman kahit papaano si Maja, eh, so alam ko kung kelan ko dapat gawin ang isang bagay na hindi siya magagalit at mawawala 'yung trust niya sa akin," mahabang sagot pa ni John sa amin.

    Si Maja naman kahit na halata mong nahihiya ay napasagot na rin sa aming tanong. Ano ang mga gusto mong qualities ni John? "Mabait siya, he's so nice at mapagmahal sa pamilya, masarap kausap, cute din siya, 'di ba?"

    So, pwede talagang maging kayo?

    "Wala munang ganyan. Right now magkaibigan lang kami," pahayag ni Maja.

    Naiiba nga ang ganda ni Maja sa mga youngstars dahil namumukod-tangi ang simpleng ganda nito. Gandang-Pilipina 'ika nga... simple, at tila tahimik lang ang buhay nito na walang kaintri-intriga. Tipo bang nandito lang siya para magtrabaho at hindi para makigulo sa showbiz?

    "Tahimik lang talaga. Makuwento rin minsan... siguro 'pag kilala ka na niya, makukuha mo ang ugali niya. Basically, Maja is a sweet girl. Siyempre, alam naman natin kung bakit siya nag-artista na tipong biglaan...dahil nga gusto niyang matulungan ang kanyang pamilya gaya rin ng ibang artista natin, 'di ba? 'Yung sa kanya talaga, kailangan niyang gawin at ngayon, tipong ini-enjoy naman niya na, eh, galing naman siya sa angkan ng mga kilalang artista dito sa industriya kaya kayang-kaya rin niya," paliwanag ni John.

    "Ang sarap naman kasi ng ganu'n na walang intriga, 'di ba?", mabilis namang sabat ni Maja. "Dapat nga ganu'n na lang! Work na lang talaga at wala nang intriga. Minsan kasi nakakasira sa artista iyan, eh. Nakakapanlambot lalo na hindi naman totoo."

    Ano naman ang reaksyon ni Maja kapag may mga balita about John linking him sa mga girls like Roxanne Guinoo ng Star Circle Quest?

    "Alam naman namin ang totoo kaya tinatawanan lang namin ni John ang mga ganyang intriga. Saka sinasabi rin man ni John kung totoo o tsismis lang," sey pa ng magandang young actress.

    Pero hindi nga ba true na nanliligaw si John kay Roxanne? May nakakakita sa kanyang dumadalaw sa set ng SCQ Reload sa Marikina at super-bantay nga raw siya kay Roxanne?

    "Nakakatawa naman. Alam kong may gumagawa lang niyan, eh. Tipong pinagma-match kami.

    "Well, kilala ko si Roxanne at friends kami pero it's not true na nililigawan ko siya. Saka alam ko, sila na ni Joross Gamboa, 'di ba? Bakit ako?"

    "Kung totoo iyon, kung manliligaw ako, sisiguraduhin kong nag-iisa lang ako at wala pang sabit ang girl. Ngayon, Roxanne has Joross, so, paano ko siya liligawan?" paliwanag ni John.

    So, si Maja na lang? Kilala niya, madalas kasama, at higit sa lahat, walang BF?

    "Kayo talaga!" namumulang tawa nang tawang reaksyon ni John. Na sinabayan din naman ng mahinhing pagtawa ni Maja.

    Well, kung si Maja na nga ang bagong Heart ni John hindi rin naman nila ito maitatago. Kaya't abangan na lang natin ang susunod na kabanata.


list all articles