Si Maja ang ipinalit ni John kay Heart
by: Pacita M.
From: Taliba     [June 03, 2004]


   Kung may Richard Gutierrez at Lucky Manzano na ngayon si Heart Evangelista, dumating naman sa buhay ni John Prats sina Jenny Hernandez at Maja Salvador. Kaya wala na sana munang kokontra sakali mang napagkikita si John sa ilang malls na kasama si Jenny (yes, she is that girl from MTB: Ang Saya-Saya at nakikihataw sa pagsasayaw kay Maja sa It Might Be You.

   Eksperimento lang noong una ang pagtatambal nila John at Maja sa pataas nang pataas na rating na teleserye. Pero, kinilig ang buong Pilipinas, lalo na noong nakaraang Linggo, kung saan sa isang dance sequence lamang ay sangkatutak na e-mails agad ang natanggap ng ABS- CBN, ganon din ang inyong lingkod.

   Pawang humihiling na ulitin ang pagpapalabas ng eksenang iyon at pagpartnerin ang dalawa sa lahat ng musical at variety shows ng ABS- CBN. Dance partners silang tatanghalin at new love team in the ma- king kuno.

   Hindi na kailangang gimikan pa na silang dalawa na nga ngayon o baka mahulog ang loob nila sa isa't isa. Sapat na raw na nakasasayaw sila sa tugtog nang sabay. Isa pa, hit naman ang tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo kahit hindi talaga sila sa tunay na buhay. Puwede ring ganon sina John at Maja, di ba?

   Anyways, nagkita sina John at Maja noong Lunes sa St. Lukes's Hospital nang isugod ang mahal nilang direktor na si Gilbert "Manong" Perez. Nauna siyempre si John at sumunod naman si Maja. Pareho silang nagbantay noong nasa emergency room ang mabait na direktor.

   Panay-panay ang tingin sa kanila ng mga tao kahit dis-oras na ng gabi (madaling araw na yata). Hindi rin sila umalis hanggang hindi nila natiyak na stable na ang condition ni Manong.


list all articles