Maja Salvador at John Prats team-up,
testing muna!

From: People's Tonight   [April 2004]


    Pinapakiramdaman pa raw ng kanilang istasyon kung kakagatin ng mga manonood ang kanilang tambalan at kung mayroon ba itong kilig factor na very essential sa isang love team.

    Mukhang ito raw ang dahilan kaya di pa tuluyang binubuwag ang tambalang John Pratts at Heart Evangelista. Gagawing magkapareha ang bagong youngstar na si Maja at John sa teleseryeng It Might Be You ng Dos.

    Sunud-sunuran lang daw ang kuya ni Camille sa nais na mangyari ng kanilang istasyon at sinuman ang kanyang makatambal ay buong puso niyang tatanggapion. In fact, nagba-bonding na sila ni Maja at si Heart kahit balitang non-showbiz ang bf ay sweet na sweet pa rin kay John at ganoon din si Heart.


list all articles