John Prats malayo ang mararating
From: People's Tonight    [June 07, 2004]


    Isa si John Prats sa mga hinahangaang batang aktor ng henerasyong ito. Simula sa pagkakahawig sa idol na si Aga Muhlach, hanggang sa kanyang masayahing mga mata, killer smile at talento sa pagkanta, pagsayaw, paghu-host at musika, walang dudang malayo pa ang mararating ng aktor.

    Ang husay ni John sa pag-arte sa telebisyon man o sa pelikula ay maraming beses nang napatunayan. Isa siya sa mga nagpabilib sa publiko sa ipinagmamalaki ng Regal Films na Batang X. Nagkaroon na rin ng pagkakataon ang nakatatandang kapatid ni Camille Prats na makasama ang mga pinakamaningning at respetadong artista gaya nina Gloria Romero, Dina Bonnevie, Johnny Delgado, Joel Torre, Edu Manzano, Hilda Koronel, Cherry Pie Picache, Marvin Agustin at Jericho Rosales sa award-winning na Tanging Yaman.

    Bukod doon ay naging parte si John ng matagumpay na weekly afternoon show para sa mga bagets, ang G-mik, kung saan unang ipinareha sa kanya ang matagal nang ka-loveteam at rumored girlfriend na si Heart Evangelista, at ng feel-good Generation-X movie na Trip (kasama rin si Heart) na halos isang buwang nagpakilig sa publiko. Muling pinatunayan nina John at Heart ang lakas ng hatak nila sa publiko sa pamamagitan ng twin-bill film na My First Romance, which also featured the John Lloyd Cruz-Bea Alonzo tandem.

    Sinubukan din ni John ang mundo ng musika sa pamamagitan ng JCS band na kinabibilangan ng co-Talent Center artists at mga kaibigan niyang sina Stefano Mori at Carlo Aquino. Nakakuha ng gold record award ang debut album nila, ngunit hindi na nasundan dahil sa kabi-kabilang showbiz commitments ng mga bagets.

    Sa kasalukuyan ay abala si John Prats sa primetime teleserye na It Might Be You na pinagbibidahan ng loveteam nina John Lloyd at Bea. Isang baguhan sa katauhan ni Maja Salvador ang kapareha ni John sa series. Mainstay rin si John sa ASAP Mania.

    Sa kabila ng umaapaw na commitments ni John, hindi niya nakakaligtaang pagtuunan ng pansin ang kanyang pag-aaral. Naka-enroll siya sa Thames International Business School. At isa iyun sa mga dahilan kung bakit patuloy na pinagkakatiwalaan si John hindi lamang ng mga producer kundi ng mga advertiser. Recently ay nag-renew si John ng kontrata bilang endorser ng Hawk Bags, ang nangungunang brand sa bag apparel.

    Ngayong papasok ang new school year, katulong ng Hawk Bags si John sa pag-i-endorso ng kanilang pinakabagong collection. With new designs at styles na tiyak na kagigiliwan ng mga kabataan, ang New School Rule Collection ng Hawk ay subok na matibay, cool at trendy. For the sake of safety, every Hawk gear is equipped with an auto lock zipper system which fastens all your precious possessions together. Mayroon din itong utility pockets with Velcro pads that protect your cell phones and MP3 players and an extra room for your laptop and other high-tech items. It's resilient, trendy and tough. All the things that students like John would need for a great school companion!

    Expect more of Hawk Bags and John Prats together everywhere as the promotion for Hawk Bags' New School Rule Collection goes full blast with a round of TV and print ads plus pretty big billboards along EDSA.


list all articles