John, nalulungkot din para sa mga fans nila ni Heart
By: Joey Diego
From: Moviestar   [June 15, 2004]


    Hindi naniniwala si John Prats tungkol kina John Estrada at Heart Evangelista pero hindi niya ikinakaila na nagulat siya ng makarating sa kanya ang balita. Although magkahiwalay na ng landas ang dating magka-loveteam, kahit papaano ay natatanong pa rin siya tungkol kay Heart.

    "Marami pa ring nagtatanong sa akin tungkol kay Haert dahil nandiyan pa rin naman 'yung mga fans namin kaya kahit na hindi na kami magkasama ngayon, patuloy pa rin kaming nai-involve sa isa't-isa. Hindi ako naniniwala sa tsismis sa kanila ni John Estrada, ayoko sanang magsalita tungkol du'n dahil mahirap makasagasa ng ibang tao at hindi naman ako involved sa isyu. Pero lagi akong natatanong kung ano raw ba ang reaksyon ko kaya lagi ko ring sinasabing hindi ako naniniwala sa tsismis."

    Kilala kasi ni John ang BF ngayon ni Heart kaya kahit ano pa ang lumabas na tsismis tungkol sa kanilang dalawa ay hindi niya paniniwalaan.

    "Ayokong mag-comment tungkol dyan. Basta kung ano ang kahihinatnan ng balita, gusto ko lang sabihin na hindi ako naniniwala sa tsismis tungkol sa kanila," maikling sabi ni John ng huli namin itong makapanayam.

    Balitang may gagawing soap opera si Heart. Bukod kay Patrick Garcia, ay may bagong magiging ka-loveteam ang dalaga. Ano masasabi niya tungkol dito?

    "Good for her kasi alam kong matagal na niyang gustong magkaroon ng sariling soap opera. With regards to Patrick at dun sa bagong ipapareha kay Heart, wala naman akong ibang puwedeng sabihin kundi goodluck, di ba?"

    "Anyway, ganu'n din ang ginagawa ngayon sa akin ng ABS-CBN, itong pagpapareha sa akin kay Maja Salvador. Marami ang nagkakagusto sa tandem namin kaya plano nilang i-push nang todo ang binubuong loveteam. Just the same, ganu'n din naman siguro kay Heart, we need to move on. Nakakalungkot lang para sa mga fans dahil nariyan pa rin sila na sumusuporta sa amin," sabi pa uli ni John.

    Pumirma ulit si John ng panibagong kontrata bilang celebrity endorser ng Hawk Bags. Sa loob ng ilang taong pagiging endorser niya, maganda ang naging resulta nito sa kumpanya kaya todo suporta rin sila kay John.

    "Thankful ako sa mga taga-Hawk dahil sa tiwala na ibibibigay nila sa akin. All these years, napatunayan ko na talagang mahal nila ako at naniniwala sila sa kakayahan ko. Asahan nila na lalo kong pagbubutihin na mapaganda pa ang image ko bilang endorser kaya ngayon pa lang, hinahanda ko na ang sarili ko sa mga susunod na project ng Hawk sa taong ito."

    May 'say' na rin ang binata sa mga design na gusto niyang ilabas. Nagsa-suggest na rin siya kung ano ang type ng mga kabataan ngayon.

    "Nagsa-suggest ako kung ano 'yung alam kong uso at gusto ng mga kabataan. 'Yung design naman, hindi ako nakikialam kung ano 'yung gusto nilang ilabas nasa kanila naman 'yun pero tinatanong din nila ako kung okay sa akin itong mga iniindorso kong bag. Kung type ko ba at kumportable akong gamitin. Kumbaga, hindi sila 'yung tipong porke't binabayaran ka nila, sila lang ang masusunod. May respeto sila sa mga modelo nila," very proud pang sabi sa amin ni John.

    Ikinabit naming muli sa kanya ang tanong tungkol sa kanila ni Maja. Totoo bang attracted siya sa bagong ka-loveteam?

    "Maganda si Maja, mabait at talagang okay kami. Pero hindi ko siya nililigawan, friends lang talaga kami. Hindi ko pa masasabi kung attracted ako sa kanya, ang puwede ko lang isagot ay maganda siya at masarap kausap," sabay kindat sa amin ng binata.


list all articles