John, si Maja ang binalingan
From: The Buzz Magazine   [August 2004]


    Halatang na-hurt si John Prats sa pagkakaroon ni Heart Evangelista ng bagong ka-love team in the person of Geoff Eigenmann.

    Parang pasaring daw kasi kay Heart ang mga binibitawang salita ni John nang tanungin siya kung ano ang nagustuhan niya sa katambal niyang si Maja Salvador.

    "May sense siyang kausap. Matalino talaga at puwede naming pag-usapan anything under the sun," sagot daw ni John as if hindi matalino si Heart at masap kausap. May laman din daw kasi ang pagbanggit ni John ng: "Goodluck sa kanila, sa chemistry nila!" na patungkol sa tambalang Heart-Geoff.

    Kasi naman, nasabi rin ni Heart sa isang interview na noong ipakilala siya kay Geoff, sabi raw ng mga nasa paligid nila, "may chemistry sila" ng bago niyang ka-love team.

    Halata rin daw na put-on ang pinapakita ni John ng sweetness kay Maja nang mag-guest sila sa the BUZZ. Cute silang tignan, kaso parang medyo OA daw ‘yung mga gestures ni John kay Maja.

    In fairness sa love team ni John at Maja, marami rin silang followers. Sinusubaybayan ng televiewers ng It might be you ang kanilang kuwento sa naturang teleserye.

    Mukhang exciting ito. Parang in the tradition of Ara-Christian-Mary Jane at Leo ang drama ng mga bagets. Sa totoong buhay nga lang-as of now!


list all articles