Mga talent ng ABS-CBN hindi mapigilan ang pag-ober da bakod sa GMA-7
by Noel Asiņas
From: People's Tonight   [February 07, 2005]


    NA-CONFIRM sa amin ng isang GMA-7 executive na nasa bakuran na nila si John Prats, dating talent ng ABS-CBN.

    Totoo ang sinabi ni Isabella de Leon sa KiliTV presscon na si John ang love interest ni Maxene Magalona sa Sunday sitcom ng GMA, kung saan bida si Vic Sotto, ang Daddy Di Do Du.. Napanood na siya kagabi sa naturang sitcom.

    Nasabi rin ng aming source na muling nagpaparamdam sa kanila si Angelika dela Cruz at ibig daw bumalik ng young dramatic actress. Samantala, kumakatok din sa kanilang pintuan sina Angelica Panganiban at ang sister ni John na si Camille.

    "'Pag kumakatok sila, dapat pagbuksan. Hindi namin sila pina-pirate, kundi kusa silang lumalapit sa amin. Tulad din sila nina Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz (noon), Richard Gomez, Pops Fernandez, Ariel Rivera at Paolo Contis," pahayag pa ng aming source.

    "'Di ba hindi namin gawain ang pamimirata? 'Di gaya ng ginawa ng ibang network sa aming stars na sina Toni Gonzaga,Sarah Geronimo, Anne Curtis, Dagul, Long Mejia, Assunta de Rossi, Vina Morales at Onemig Bondoc."

    Balitang bago tanggapin ang mga lumilipat ng bakod, mataimtim munang pinag-iisipan ito. Priority pa rin ng network ang kanilang homegrown artists.


list all articles