Assorted articles about John
in Ako Legal Wife

[December 2005]


From: Pilipino STAR Ngayon
By: Nitz Miralles
Date: December 20, 2005

    Naguluhan kami sa description ni John Prats sa relasyon nila ni Maja Salvador. Hindi niya masabi kung may MU sila but, they’re dating at crush niya ito. Naging close sila mula nang magkasama sa It Might Be You at hang-gang ngayon. Never daw naging sina Maja at John Wayne Sace kaya, wala siyang ma-sasagasaang tao.

    Si Maja ang date ni John sa premiere night ng Ako Legal Wife at sa galing ng actor in portraying a closet gay, tiyak na very proud sa kanya ang dalagita.

    Mag-i-18 palang si Maja at 23 years old si John pero, hindi nagka-kalayo ang kanilang height at dahil baby faced, hindi halatang five years ang age gap nila. "Sana, maging kami," seryosong sabi ni John, saka tumingin kay Maja.

   

From: People's Tonight
By: Beth Gelena
Date: December 20, 2005

    BOW kami kay Zsa Zsa Padilla bilang legal wife ni Jay Manalo sa Ako Legal Wife: Mano Po 4. Sa premiere night kamakailan ay pinalakpakan ang pag-arte ni Zsa Zsa kahit na comedy ang pelikulang Ako Legal Wife na MMFF entry ng Regal Films.

    Maging si John Prats ay nakitaan namin ng pagka-versatile sa kanyang pag-arte. Sabi nga namin noon sa pelikulang Happily Ever After ni direk Maryo J. delos Reyes ay napakahusay niya bilang isang pangit na kuba, heto at ang ginagampanan naman niyang role sa Ako Legal Wife ay isang bading.

    "Hindi ako nagworkshop kundi actual nang pinagawa sa akin ni direk ang pagba-bading. Kaya talagang nag-motivate na lang ako para sa sarili ko para naman hindi nakakahiya sa mga artistang kasama ko. Salamat naman po kung na-appreciate ninyo ang pag-arte ko. Sana nga po magtuluy-tuloy na ang pagbibigay sa akin ng magagandang role. Alangan na kasi ang bagets role,eh," ani John.

   

From: People's Tonight
By: Ernie Enrile
Date: December 21, 2005

    Pagkatapos ni Dennis Trillo in Aishite Imasu, MMFF '04 entry, this time, sa isa ring Joel Lamangan megger ay si John Pratts naman in Ako Legal Wife.

    "Sino kayang guwaping ang susunod na gagawing bading ni direk Joel?" tanong ng isang kasahan pagkatapos mapanood ang successful preempt ng isa sa mga entries ngayong darating na filmfest, at pinagbibidahan nina Rufa Mae Quinto, Jay Manalo, Cherry Pie Picache at Zsa Zsa Padilla, ang Ako Legal Wife.

    Isang tagong baklita na anak nina Jay at Zsa Zsa ang role ni John. Although hindi kagaya ng ginampanan ni Dennis na nag-ayos babae, as in, kinarir ang pagka-bading sa said period movie, kuwelang nagampanan ni John ang kanyang karakter sa ALW.

    Anyway, kung malakas na contender bilang Best Supporting Actor si John for ALW, tiyak na raw na maiuuwi this time ang Best Actress plum ni Sec. Ass. Kung may mahigpit man siyang makakalaban sa naturang award, yun ay walang iba kundi si Cherry Pie, ang lucky wife at Bisayang Intsik sa pelikula.

   

From: People's Tonight
By: Noel Asiñas
Date: December 26, 2005

    WALANG pinaggayahan si John Prats sa role niyang bading sa Ako Legal Wife. Bale sarili niyang approach ang kanyang ginawa at sinunod lang ang mga tagubilin ni direk Joel Lamangan. "Magaling si direk Joel dahil lahat ng detalye na dapat kong gawin ay ipinaliliwanag niya. Buti naman nagawa kong maganda ang role na closet queen," pahayag ni John.

    "Natutuwa rin ako kay Mother Lily na iba't ibang role ang ibinibigay sa akin. At least nakakapasa sa panlasa ng aking mga director." Nasabi rin ni John na tapos na ang contract niya sa ABS-CBN `2, pinag-iisipan pa nila ng kanyang manager na si Arnold Vegafria kung saan may magandang offer ay doon sila pipirma.

   

From: People's Tonight
By: Nitz Miralles
Date: December 26, 2005

    Kuwela sa tao ang mga eksena ni John Prats sa Ako Legal Wife kung saan, ginampanan niya ang role ng closet gay na si Hil. Ang lakas nang tawanan nang mag-tumbling at mag-split siya after meeting a handsome young man. Sa ganda ng eksena, hindi halatang sumakit ang likod ng actor sa take one scene na 'yun.

    Sayang lang at 'di muna masusundan ang pagganap ni John sa iba pang gay role dahil ayaw niyang ma-type cast. Gusto niyang mag-expirement ng ibang role ngayong nabibigyan siya ng challenging roles.

    Samantala, ayaw makisali ni John sa never ending conflict ng kapatid na si Camille Prats at Angelica Panganiban. Ayaw na rin daw patulan ng kapatid ang isyu. "My sister is happy with her life," ayon kay John.