Ayaw Ma-Typecast Na Bading
By: Emy Abuan-Bautista
From: Pilipino STAR Ngayon [December 08, 2005]

    Kung si John Prats ang masusunod, ayaw nitong ma-typecast na bading. Kahit magaling ang acting nito as gay sa Ako Legal Wife ay gusto niyang huwag na itong masundan pa ng ibang proyektong bading ang papel niya.

    "Kaya ko tinanggap ito ay dahil gusto kong masubukan ang lahat ng role. Challenging ito para sa akin," aniya.

    Bukod sa pagiging isang magaling na artista ay mahusay din itong dancer.

    Gusto nitong magprodyus ng dance concert balang araw kung saan gustong makasama ang idolong si Gary Valenciano, JayR, Streetboys at ang G4. May dalawa itong shows sa ABS-CBN, ang ASAP at My Juan and Only.