Balak niyang sumunod sa kapatid na si CAMILLE sa Siyete
By: Joey Diego
From: Moviestar   [November 08, 2005]


    Kagagaling lang sa Japan ni John Prats kasama ang kapatid na si Camille.15 days silang nag-stay sa bansa ng mga sakang at tuwang-tuwa siya dahil first time niyang marating ang naturang lugar. Kasama rin nila ang kanilang mommy at daddy kaya nakumpleto ang kasiyahan ng magkapatid.

    "Sayang, ‘di kami kumpletong pamilya pero next time,isasama namin ang lahat ng mga kapatid namin. Actually,were planning to go to Hongkong next year para pumunta sa Hongkong Disneyland. Na-miss ko ‘yung mga younger brother ko at sana makita rin nila ang Disneyland, dream come true para sa kanila ‘yun!" simula ni John ng makausap namin a day after dumating sila.

    Plano niyang i-treat ang buong pamilya at siya ang sasagot sa lahat ng gastos.

    "Gusto ko kasing mag-bonding kaming uli ng buong pamilya. Just like we do a few years ago nang magpunta kami sa US. Gusto kong maulit ‘yon. Break na rin ‘yon sa daddy at mommy ko na bising-busy sa negosyo nila."

    Sumabak agad siya sa trabaho pagdating niya.

    "Marami akong naiwang trabaho. Kailangan ko nang mag-taping ng My Juan and Only. May trabaho rin si Camille kaya hindi na kami nakapag-extend," say pa ni John.

    Kahit hindi ganu’n kalaki ang exposures na nakukuha niya sa Dos,wala siyang balak na iwan ito unlike Camille na tuluyan nang lumipat sa Siyete.

    "Career move ni Cams ‘yun. 12 months din siyang naghintay. Pero hindi siya nabigyan ng pagkakataon. Nainip na siya kaya nag-decide siyang lumipat. Hindi desisyon ng parents namin ‘yun kundi sariling desisyon ng kapatid ko."

    "In my case,happy pa rin ako kahit sa My Juan and Only at ASAP lang ako napapanood. Trabaho pa rin ‘yun at busy naman ako. Wala akong planong umalis sa Dos."

    Hindi rin siya nakaligtas na tanungin kung ano ang masasabi niya tungkol sa pagre-repackage kay Carlo Aquino na kasabayan niya sa JCS. Nag-daring at nagpa-sexy na ito sa pelikula.

    "I guess career move rin ‘yun ni Carlo. Happy ako that he’s doing good. Sana bumalik na rin si Stefano Mori. Miss ko na ang barkada naming JCS. To Carlo okay lang ‘yun. We’re not getting any younger, hindi naman niya gagawin ‘yun kung hindi siya ready."

    "Tumatanda na naman kami. Hindi na kami dapat magpalampas ng pagkakataon. Kanya-kanyang diskarte lang yan," katuwiran pa ni John sa amin.

    Ready na rin ba siyang magpa-sexy sa movie if ever may offer?

    "Hindi ko kaya.Siguro sa iba na lang. Kung gagawa man ako ng mature movie,hindi ako maghuhubad. Bed scenes at kissing scenes lang ang kaya kong gawin. Kung may makikita pang iba, hindi na yata si John Prats ‘yun," natatawang pagtatapos ni John.