Camille at John, totoong lilipat sa GMA
By: Nitz Miralles
From: Pilipino STAR Ngayon   [February 21, 2005]


    Si Arnold Vegafria na pala ang manager ng magkapatid na John at Camille Prats at ito raw ang naglalapit at nagrerekomenda sa dalawa sa GMA-7. Kaya lang, sinabi raw kay Arnold ng Ch. 7 management na guesting lang muna ang maibibigay nila sa magkapatid dahil mas priority nila ang kanilang homegrown talents.

    Conflicting ito sa ipinahahayag ni John na hindi siya lilipat sa Ch. 7 at mananatili sa ABS-CBN. O, baka naman si Arnold lang ang may gusto na lumipat ang magkapatid sa Kapuso network?

    Si John, nakapag-guest na sa Daddy Di Do Du at sabi ng source namin from Ch. 7, he is open for guesting sa iba pang show ng istasyon dahil wala na itong kontrata sa Ch. 2. Sa kaso ni Camille, noon pa ito nagpasubaling pwede siyang magtrabaho sa Ch. 7 kung may magandang offer. Pero, ipinagdiinan ding mananatili siya sa Dos kung mabibigyan ng regular TV show.


list all articles