"Playboy Kuba" episode
ng Happily Ever After

By: Dinno Erece
From: Taliba   [March 2005]


    HINDI na "Kampanerong Kuba" ang pangatlong episode sa pelikulang Happily Ever After. Pinalitan na ito ng "Playboy Kuba."

    Ito ang pinagmitingan ng Regal Films last Thursday night, the change of title ng episode na pagbibidahan nina John Prats at Maxene Magalona na tung-kol sa isang binatang heartbreaker who was magically transformed into a hunchback dahil sa sumpa na ma-ibabalik lang sa dati kapag nakatagpo ng tunay na pagmamahal.

    Of the three episodes, ito na lang ang hindi pa na-kakapagsimula ng shoot dahil nakapag-shoot na si Direk Maryo J Delos Reyes para sa "Multong Bakla" nina Kempee de Leon, Nadine Samonte and Tyron Perez at sa "Romeo and Juliet Take 3" nina Rainier Castillo and partner.

    Hindi pa tapos ang shooting ng "Multong Bakla" na unang naiumpisa-han ni Direk Maryo dahil sa problema sa schedule lalo na't may two shows si Kempee de Leon sa GMA, ang Bahay Mo Ba 'To and Love to Love. Sina Nadine and Tyron naman, nakasalang din sa isa pang pelikula ng Regal Films na sinu-shoot na rin, ang Say that You Love Me nina Mark Herras and Jennylyn Mercado.

    Mabuti na nga lang, tri-logy ito, so, naumpisahan na ni Direk Maryo ang se-cond episode nina Rainier and partner na suwerte ring patapos na naman ang ta-ping ng kanilang "Wish Upon A Jar" episode ng Love to Love rin. Balita ring pasok na sa episode ang isa pa nilang kasama sa Love to Love, si Katrina Halili.

    Sa huling linggo ng May ang tentative playdate ng Happily Ever After.


list all articles