Si Heart Evangelista pa rin ang babaing itinatangi ni John Prats
By: NOEL ASIŅAS
From: Journal Online   [June 23, 2005]


    NAHIRAPAN na si John Prats na humanap pa ng bagong babaing iibigin pagkatapos niyang makipag-hiwalay kay Heart Evangelista. Tumaas ang level niya sa babaing mamahalin.

    "Hirap na akong makakuha ng bagong babaing mamahalin. Ibang-iba si Heart sa lahat,"pahayag ni John sa presscon ng Happily Ever After.

    "Naging magkaibigan muna kami ni Heart bago kami naging mag-on. Nagkahulihan talaga kami ng loob. Nakakalungkot nga after three months matapos kaming nagkahiwalay, doon ka lang naramdaman nang husto ang sakit ng pagkawala niya sa buhay ko.

    "Puwede pa rin kaming magsama, kung after many years ay nagkita kami na pareho pang walang commitments."

    Mismo pala si John ang humiling kay Heart na mag-separate ways muna silang dalawa pagkatapos ng limang taon pagsasama.

    "Pagmahal mo ang isang tao, iniisip Heart Evangelista mo ang kabutihan niya. Noong panahon na nagkahiwalay kami ay problema niya ang parents niya. Sobrang strict sa kanya. Nahihirapan siya.

    "Pagmahal mo ang isang tao, ikaw ang magbibigay. Iyan ang ginawa ko kay Heart."

    Nang makapartner niya ngayon si Maxene Magalona na halos kasing ganda ni Heart, tanging nasabi lang ng actor sa leading lady niya sa Happily Ever After: "Super bait niya. Madali kaming nagkahulihan ng loob. Kaya panatag na rin ako sa kanya bilang leading lady."

    Sa ngayon ang tanging ginagawa lang niya sa pagiging loveless ay ang pagbutihin pa ang kanyang career.

    "Pangarap ko ring magka-award. Sa akin parang hulog sa Itaas ang magka-award. Added bonus iyan sa career mo."

    Patunay ngang nagtatagumpay sa career niya si John ay ang sunud-sunod niyang assignment kay Mother Lily Monterverde. Pagkatapos ng Happily Ever After ay kasama rin siya sa Joel Lamangan's project, ang Ako Legal Wife.. Closet na bading ang role niya. Iyong itinatago.

    "Enjoy ako sa ginawa kong role. Iyan naman ang ibig kong mangyari sa career ko. Iba-ibang role. Challenging sa akin ang bading role. Next time gusto kong lumabas na isang addict."

    Sa carreer naman nakatuon ang oras niya. Ayaw pa talaga ni John na ma-in love muli.