Ibinalik ang team-up nina John at Maxene
By: Nitz Miralles
From: Pilipino STAR Ngayon   [May 09, 2005]


    Sa Daddy Di Do Du na-introduced ang love team nina Maxene Magalona at John Prats na nagustuhan ng televiewers. Natigil lang ang tambalang ‘yun nang pahintuin ng Star Magic ang young actor na mag-guest sa sitcom dahil kasama siya sa cast ng sitcom nina Aiai delas Alas, Vhong Navarro at Randy Santiago.

    Ibinabalik ng MaQ Films ang kanilang love team sa "Playboy Kuba" episode ng Happily Ever After sa direction ni Maryo J. delos Reyes. In fairness, kahit pang-screen lang ang tambalan nila’y may chemistry ang dalawa’t and they look good together.

    "Nagkasama na kami sa Ang TV dati kaya, magkakilala na kami. It was fun working with him. Nakakasundo ko ang mga artistang kahit sikat na’y hindi umaarteng sikat at nananatiling nakaapak sa lupa ang mga paa," ani Maxene.

    Sa presscon, hindi pa alam ni Manny Valera ang playdate ng movie pero, nakatanggap kami ng text message from his office at ipinaalam na sa June 22 na ang playdate nito.