John, binalikan si Heart?
By: Estong & Annabelle
[January 10, 2005]


    Maraming fans ang natuwa noong nabalitaan nilang nagka-balikan na raw ang loveteam nina John Prats at Heart Evangelista. Ayaw raw kasi nila sa loveteam nina Heart at Geoff Eigenmann sa Hiram. Mas pabor sila kay Anne Curtis para kay Geoff.

    Pero ang balita, hindi lang daw sa TV, kundi sa totoong buhay ay nanligaw muli si John at sinagot naman siya ulit ni Heart. Deny naman si Heart tsismis na ito. Wala pa raw siyang balak magka-bf na sinabi niya for the Nth time, pero heto kabi-kabila ang isyung may bf siya.

    Samantala, mas makakabuti raw kay Geoff na magfocus na lang muna siya sa acting. Hindi raw kasi siya effective na VJ sa Myx at maraming naturn-off na mga fans niya. Sapaw daw ito ni Luis Manzano at naawa sila. Give Geoff time na lang, total baguhang VJ pa lang naman siya.

    Posibleng gumawa pa raw ulit sila ng pelikula ni Heart dahil maganda ang naging resulta ng Bcoz of U ng Star Cinema. Wala pa rin daw palang balak tapusin ng Dos ang loveteam nina Heart at Geoff. Gagawan din naman daw nila ng project si John at ibang ka-love team. Hindi raw totoong balik na ang tambalan nila ni Heart. Gasgas na raw ito at maraming Pinoy na ang sawa na sa kanilang dalawa.

list all articles