John Prats bading na bading
By: Chit Ramos
From: Tempo   [December 22, 2005]


    Baka hindi napupuna ni John Prats na nagbibigay-suwerte siya sa bawa’t maging leading lady niya.

    Unahin natin si Heart Evangelista. Nang pumasok ito sa showbiz, nawisikan siya ni John ng ningning. Mula sa TV, hanggang pelikula, nag-click ang kanilang team-up. Sumunod si Maja Salvador. Sa una nilang teleserye together, nabitbit siya ni John paitaas. Tulad ni Heart ay nagtuloy-tuloy ang pagsikat ni Maja.

    Pati ang Starstruck finalist na si Rea Nakpil ay naambunan din ni John ng suwerte. One day shoot lang ang pagtatambal nina John at Rea sa isang movie ng Regal Enter-tainment pero maugong na ang pangalang mapapasama sa Final 5 ng Starstruck. Posibleng ito rin ang mangyayari kay Bianca King na katambla naman ni John sa "Ako Legal Wife" na ipalalabas sa darating na Metro Manila Film Festival.

    Bading ang ginagampanang papel ni John sa "Ako Legal Wife." Muntik nang tanggihan ni John ang nasabing role. Sa dami ng mga actor na gumaganap ngayon ng bakla, ayaw sana niyang masabing nakikisunod lang siya sa uso.

    Mismong mga critics ang nagsasabing kakaiba ang atake ni John sa role, salamat sa motiva-tion ni direk Joel Lamangan. Pinalakpakan nga siya nang husto sa premiere night. Hinu-hulaan pang baka siya ang tanghaling best supporting actor sa MMFF.