John, Camille pinabayaan ng ABS-CBN?
By: Aster Amoyo
From: Pilipino STAR Ngayon   [March 11, 2005]


    Mukha yatang napapabayaan na sa ABS-CBN ang magkapatid na John at Camille Prats. Sa ASAP na lamang napapanood si John habang si Camille naman ay walang regular show matapos mawala sa ere ang Home Along Da Airport.

    May nasagap kaming balita na kinukuha umano ang magkapatid ng GMA at ito’y masusing pinag-aaralan ng ama ng magkapatid na si Dondie Prats.

    Kung loyalty ang pag-uusapan, nasa ABS-CBN ang puso ng magkapatid, pero ngayong wala na silang show, kinakailangan naman nilang maghanap ng ibang trabaho at nagkataon naman na may alok kay John ang Daddy Di Do Du na pinangungunahan ng TV host-comedian-producer na si Vic Sotto. Tatlong beses nang nakapag-guest si John sa nasabing sitcom bilang ka-love interest ni Maxene Magalona at mukhang may future ang tambalan ng dalawa kung magtutuluy-tuloy.

    Since wala namang ibang trabaho si John sa ABS-CBN, pinapayagan siya ng Star Magic na mag-guest kahit sa kalaban nilang network, ang GMA-7.


list all articles