John denies courting Nikki
By: Rowena Agilada
From: Tempo   [June 9, 2005]


    Deny to death si John Prats na nililigawan niya si Nikki Gil. Nagtataka nga raw siya kung bakit nali-link ito sa kanya, samantalang hindi pa sila personally magkakilala. Nagkita lang daw sila sa ASAP Fanatic!

    "Maganda siya pero hindi ko siya nililigawan," he stressed nang nakausap ng Tempo sa presscon ng "Happily Ever After kung saan tampok si John sa "Playboy Kuba" episode with Maxene Magalona as his love interest.

    After Heart Evangelista, wala pa siyang nililigawan o naging girlfriend, pagtatapat ni John. He and Heart were together for one year and three months. Officially, nag-on sila February 8, 2002. Mutual decision nila why they broke up, according to John. "Marami kasing problema," he said.

    Until now, hindi pa siya nakaka-move on, ani John. First serious love niya raw kasi si Heart. Four years silang nagkatrabaho bilang magka-love team at hindi raw ganoong kadali kalimutan ang pinagsamahan nila. "Special pa rin siya sa akin hanggang ngayon," he said.

    There came a point pa nga raw na pinagselosan niya si Luis Manzano. Dumiskarte rin ito kay Heart. "Sorry na lang si Luis dahil ako ang type ni Heart," he said in jest. But now, friends silang tatlo nina Luis at Heart, John said.

    Kung may type siyang ligawan, si Maja Salvador ’yon. "Kilala na niya kasi ako. Alam niya ang moods ko. Kung masungit o masaya ako," John said.