John & Heart: Nagkita sa Starbucks?
By: Showbizpinoy.com   [February 2005]


    Totoo pala ang balita na nagkita sina Heart Evangelista at John Prats sa Starbucks (Greenhills) noong nakaraang Linggo. Kasama pa nga daw ni John si Angelica Panganiban nang dumating sa lugar, pero, iniwan na niya si John pagkakita nila kay Heart.

    Mataong lugar ang Starbucks sa Greenhills, kung kaya't hindi ito siempre itinatago ng da-ting magdyowa.

    Na-miss marahil ni Heart si John, lalo't hanggang ngayon ay hindi naman yata siya nililigawan ng kanyang Hiram leading man na si Geoff Eigenmann.

    Hindi pa pala break si Geoff sa kanyang girlfriend, pero, si Heart ay posibleng break na sa non-showbiz niyang BF. Otherwise, hindi niya magagawang makipag-date kay John.

    Posible naman kayang ang pinag-usapan ng dating magdyowa ay ang balitang "papasok" ang character ni John sa Hiram?

    Magandang balita ito kung magkakatotoo.

    Meanwhile, ano kaya ang mangyayari sa cha-racter ni Ahron ng TV Idols na ngayon ay si-yang bagong "lalake" sa buhay ni "Margaret" ng Hiram. Maaapektuhan kaya ito sa oras na "pumasok" si John?

    Mag-celebrate kaya ang mga fans nina John at Heart sa sakaling magkatotoo nga ang ba-litang ito?

list all articles