John Pratts at Nikki Gil, magkakilala na!
By: Vinia Vivar
From: People's Tonight   [June 14, 2005]


    Finally ay nagkakilala na rin sina John Pratts and Nikki Gil of the famous Coke commercial.

    Ayon sa young actor, pormal daw siyang in-introduce ni Toni Gonzaga sa dalaga sa ASAP last Sunday.

    "Nakatutuwa nga 'yung way ng pag-introduce ni Toni. Sabi niya, siya si Nikki Gil, ang nali-link sa iyo," kuwento ni John.

    Natsitsismis kasi lately ang young actor kay Nikki and the irony of it, hindi pa nga raw niya kilala ang said model at last Sunday lang niya ito na-meet.

    Bagama't gandang-ganda siya kay Nikki, hindi pa rin daw niya alam kung liligawan niya ito. Ni hindi na nga raw sila nagkausap pa after the show.

    Inamin sa amin ni John na isa sa hindi niya malilimutang relasyon ay ang affair nila ni Heart Evangelista na tumagal ng one year and three months.

    Matagal na silang split, pero hanggang ngayon daw, wala pa siyang makitang babaeng makapapalit nito sa puso niya.

    Sobrang pagmamahal daw ang ibinigay niya sa young actress kaya nang mawala ito ay sobrang sakit ang naramdaman niya.

    Ang suggestion namin ay balikan na lang niya ito, pero napangiti lang si John.

    "May boyfriend na yata siya. Pero okay na naman ako, naka-recover na ako and we're good friends now," he said.

    Si Maxene Magalona ang kapareha ni John sa Happily Ever After episode na "Playboy Kuba". Isang playboy daw ang kanyang role, pero isinumpa siya, kaya naging pangit na kuba siya.

    Kinailangang tiisin ni John ang ilang oras na paglalagay sa kanya ng prosthetics make-up para sa kanyang role.

    "Ang hirap kasi, araw-araw, kailangang ilagay 'yun sa akin. But okay lang, kailangan, eh," say pa niya.