John, sinisisi ni Heart sa relasyon nila noon
From: Yehey! Tabloids [July 13, 2005]


    Two years na palang hiwalay sina John Pratts at Heart Evangelista. More than one year ang tinagal ng relationship nila na itinago nila sa public dahil umano sa paghihigpit ng father ni Heart.

    Dumating umano sa point na gusto nang aminin ni John sa press ang real score sa kanilang dalawa pero ayaw daw ni Heart. Ayaw daw ng Daddy ng aktres na aminin nila ang relasyon nila. Sabihin na lang daw na MU lang ang status ng relasyon nila. Kaya walang nagawa si John.

    According to John, iyon daw ang totoo hindi iyong wala siyang ginawa para ipaglaban ang relasyon nila gaya ng sinabi ni Heart sa isang interview nito. Later on daw, parang naging showbiz na iyong relasyon nila. Narealize umano niyang hindi na siya makahinga at kailangan na niya ng breathing space kaya nag-cool off sila.

    Para raw makapag-isip-isip siya, nagpunta raw ng Hong Kong si John. At nang pagbalik niya after one week, ayaw na raw makipagbalikan sa kanya ni Heart. Kung umiyak daw ang ex-girlfriend sa nangyari sa kanila for several days, siya raw ay one month nagdamdam. Minsan daw ng bumisita siya at nadatnan niyang may ineentertain itong suitor kaya nasaktan siya.

    Wish na lang ngayon ni John ay matapos na ang isyu sa kanila ni Heart. He thought maayos na sa kanila ang lahat dahil matagal na siyang nagtatry na maka-move on.