John Pratts may bagong girlfriend na!
By: Pandora
From: YEHEY! Contributors [May 31, 2005]


A few months ago, ipinahayag ng dating child star na si John Pratts ang kagustuhan niyang magkaroon muli ng girlfriend. Since malink sila ni Heart Evangelista sa isa’t isa, wala nang ibang babaeng naiugnay pa sa kanya. Hindi rin naman naging mas matunog ang samahan nila ni Maja Salvador ng ipartner ito sa kanya.

Pero mukhang this time around ay for real na ang love life ni John. Balita kasing may bagong girlfriend na siya ngayon in the person of one of the finalists of Stardance, ang dance-reality show ng ABS-CBN. Leah daw ang pangalan nito at nagmarka ang existence nito sa show dahil sa muntik na itong malunod sa kanilang Subic episode.

Ilang dating mga kasali ang nagconfirm ng panliligaw diumano ni John kay Leah. During the early stages of the show pa lang daw ay natunugan na ng mga tao sa palabas na special si Leah kay John. Kaya naman daw pala nagquit as one of the judges si John ay dahil sa personal niyang interest sa isa sa mga kasali sa contests. Baka nga naman maisyuhan siya na biased sa kanyang judgment.

May itsura si Leah at chinita rin like Heart. At ang perfect common denominator nilang dalawa ay ang passion nila sa pagsasayaw. How sweet!