John Prats, nagko-condom dahil ayaw makabuntis
By: Rey Pumaloy
From: Abante Tonite   [June 17, 2005]


    Tatlong buwan nang walang sexlife ang 21 y/o na si John Prats.

    Hindi sana mapag-uusapan ang tungkol sa sexlife nito kung hindi natanong si Rainier Castillo tungkol sa sitsit na nagti-take home siya ng babae.

    Kasama ang dalawa sa pelikulang Happily Ever After ng Regal Films.

    Naitanong ng kolumnistang si Leo Bukas kung nangyari na kay John ang mag-uwi ng babae o kaya’y mai-take home ng kumursunadang babae sa kanya.

    Sunud-sunod na umiling si John.

    "Paano ako makakapag-take home samantalang nakatira pa rin ako sa parents ko at saka sa 3rd floor ako nag-i-stay?"

    "Bago ko madala ‘yung babae sa kuwarto ko, ang daming dadaanan sa bahay namin."

    "Pwede siguro kung may sarili akong place o nakatira ako sa condo," paliwanag ni John.

    Sabi namin kay John, mayroon kaming alam tungkol sa isang kasamahan niya sa ABS-CBN na nagpapasok ng babae sa kanilang bahay.

    Itinataon nito sa alas-12:00 nang gabi o madaling-araw ang pagpapasok sa babae sa bahay nila para hindi ito makita ng mga kasambahay niya.

    "Iba kasi sa bahay namin. Kahit sino ang pumasok doon nang kahit anong oras, imposibleng hindi makita o malaman," lahad ni John.

    "Hindi pa talaga ako nakakaranas na mag-uwi ng babae o makikipag-one night stand sa isang total stranger."

    "Kailangang kilalanin ko muna ‘yung girl at kailangang maging kumportable muna ako sa kanya bago may mangyari sa amin."

    "Madalang din ‘yung mga babaeng nag-a-approach sa akin sa mga pinupuntahan ko, kasi nga, hindi ako masalita. Torpe nga ako, eh."

    Mga apat hanggang limang araw na pagkilala sa isang babae bago raw may milagrong mangyari sa kanila, ayon pa kay John.

    "Kailangang kilalanin ko muna ‘yung girl. Hindi sa takot ako dahil I always practice safe sex naman. Gusto ko lang kilalanin ‘yung character nu’ng girl," pahayag niya.

    Posibleng sa malalayong lugar maganap ang "milagro," ayon pa rin kay John. Hindi raw siya nagdadala ng babae sa mga motel o hotel dito sa Manila.

    "Never pa ako sa mga motel o hotel dito. Tagaytay? Hmmm...possible. Pero hindi ‘yung planado. Pag gusto lang," sey ni John.

    Ang unang sexual encounter ni John sa hotel ay sa Los Angeles, California, sa isang dati nang kakilalang babae na naninirahan doon.

    "Iyun ‘yung time ng It Might Be You. Nakilala ko na nang husto ‘yung girl," maikli niyang sagot.

    Isa ito sa mga sexual experience ni John sa isang agresibong babae. Gumamit ng condom si John.

    "As always naman. Okey na sa akin ‘yung ganoon para safe. Kaysa naman nasarapan ako, tapos, after a while, eto na, may magki-claim na nabuntis ko siya.

    "Gumagamit ako ng rubber, kasi, hindi pa ako handang magkaroon ng anak or ng pamilya.

    "Karamihan sa mga babaeng nasa Amerika, sila ‘yung nagpapakita ng motibo. Pero siyempre, hindi ako magpapatalo. Kailangang parehas ang laban!" nakangiti niyang sabi.

    Nagulat si Leo Bukas sa pagiging open ni John sa sexual experiences.

    "Eh 21 y/o na ako. Alangan namang mailang pa ako, ‘no!" natatawang sambit ni John.