John Prats may itinatagong kabadingan
By: Noel Asiņas
From: Taliba   [December 2005]


    PINALAKPAKAN si John Prats sa premiere screening ng Ako Legal Wife sa pagganap niya bilang "clo-set queen."

    Marami nga ang nagsasabing makakakuha siya ng award sa pelikulang ito na entry ng Regal Entertainment sa 2005 Metro Manila Film Festival-Philippines.

    Nang makausap namin si John at tinanong namin kung may ginaya ba siya sa pag-arteng bading, sinabi niyang walang particular na bading. Ang arteng gay raw niya sa Ako legal Wife ay pinagsama-samang ugali at kilos ng iba't ibang friends niyang bading, plus iyong sinunod lang niya ang lahat na ipinagawa sa kanya bilang bading ni direk Joel Lamangan.

    "Natutuwa naman ako at iba't ibang role ang pinagagampanan sa akin sa mga pelikula ng Regal. Sa isang trilogy movie ni Maryo J. delos Reyes, ako ay lumabas na kuba at may pangit na mukha," wika ni John sa panayam namin sa kanya pagkatapos ng screening sa SM Megamall.