John Prats tutol sa bagong image ni Heart Evangelista
By: Leo M. Bukas
From: Taliba   [June 15, 2005]


    Naging ka-relasyon ni John Prats si Heart Evangelista ng isang taon at tatlong buwan, pero dahil sa tindi ng pressure, nagkahiwalay ang dalawa.

    Hindi raw kasi boto ang tatay ni Heart kay John, a-yon sa kuwento ng binata. Masyado pa rin silang mga bata nung panahong 'yon kaya minabuti nilang wa-kasan na lang ang kanilang relasyon.

    Hirap na hirap si John sa pagde-deny noon na may relasyon sila ni Heart.

    "Mahirap mag-deny la-lo na sa press kapag alam naman nila kung ano talaga 'yung totoo. Nagmumukha lang akong t**g*, pero kailangan kong gawin 'yon kasi we need to protect our career," wika pa niya.

    Nang matapos na ang kanilang relasyon ni Heart ay nakahinga na nang maluwag si John. Pero, aminado ang binata na nung time na sila pa ni Heart, minahal ni-ya ito nang todo at naging very loyal siya sa dalaga.

    May mga nagdaang i-bang babae sa buhay ni John pagkatapos ni Heart. Pero, wala raw ditong na-ging seryoso. Puro mga fling lang daw 'yon kumbaga.

    Inamin din niya sa amin na bagama't wala siyang lovelife ngayon, hindi raw 'yon nangangahulugan na wala siyang sex life. Pero never pa raw niyang na-try makipag-one night stand.

    "Hindi ko trip 'yong ga-nu'n. 'Yung ngayong gabi lang kayo nagkita tapos 'yon na? Ayoko no'n. Gusto ko, kikilalanin ko muna 'yung girl. Siguro five times muna kaming magde-date bago dumating sa ganu'n (sex ang ibig niyang sabihin)," kuwento ni John.

    Imagine, nagkukuwento na siya ngayon ng ganito samantalang noon, eh, hi-rap na hirap kaming mai-tanong sa kanya kung virgin pa ba siya?

    Anyway, 16 years old si John nang magkaroon ng experience sa babae. Sa isang sauna bath daw 'yon sa Parañaque. Nagkatuksuhan lang daw silang mag-kakaklase na "magpabinyag" kaya sila napunta sa lugar na 'yon.

    At least, na-experience ni John ang maging isang normal na teenager, di ba?

    Going back sa kuwentuhan namin about Heart, medyo nagulat si John sa biglang pagsi-shift ng image ng dati niyang girlfriend nang tanggapin nito ang role bilang misis ni Jericho Rosales sa Panday.

    "Twenty na naman siya, eh. Okey na rin 'yong naging desisyon niya to accept that role in Panday. At saka sa tingin ko, bagay naman sila ni Jericho.

    "Kaya lang, parang too soon. Opinion ko lang 'to, ha. Wala akong ibang ibig sabihin. Para kasing masyado siyang nagmadali. Puwede pa sana niyang i-maximize 'yung pagiging sweet ng i-mage niya sa mga gagawin niyang project, pero and-yan na 'yan, eh.

    "Pero, hindi naman ako worried sa gagawin niya. I know kaya niya 'yan. At saka si Jericho naman ang kasama niya kaya a-lam ko na she's in good hands," wika pa ni John.

    Incidentally, bida si John sa pelikula ng Regal Films na pinamagatang Happily Ever After na isang trilogy at idinirek ni Maryo J. Delos Reyes. Kasama niya si Maxene Magalona sa Playboy Kuba episode.

    Bida naman sa 2 pang istorya sina Keempee de Leon, Nadine Samonte, Tyron Perez, Rainier Castillo at Yasmien Kurdi.