John Pratts at Maja Salvador, one month nang mag-on!
By: Pandora
From: YEHEY! Contributors   [December 28, 2005]


    Hindi pala malamig ang Pasko ngayon ni John Pratts dahil in love muli ang kuya ni Camille. Ang lucky girl ay walang iba kundi si Maja Salvador ang ka-loveteam niya noon sa teleseryeng It Might Be You. Inamin ni John na one month na silang mag-on ni Maja. Proud siya sa relationship nila ngayon dahil alam niyang maganda ang pagsisimula nila at hindi nila kailangang itago ang real score between them.

    Natuto na raw si John sa experience niya from his previous relationship with Heart Evangelista. Kung noon ay tinatago niya pa sa public ang relasyon ngayon ay happy sina John at Maja na aminin sa buong mundo ang totoong namamagitan sa kanilang dalawa.

    Sinabi ni John na hindi kaagad nadevelop ang feelings niya for Maja kahit noong time na magkatrabaho pa sila. Siguro raw ay dahil in love pa siya noon kay Heart. Pero eventually narealize niya how beautiful person Maja is inside and out. Nakita rin daw ni John na may ibang level of maturity na si Maja. Kahit bata pa ito, matured na raw itong mag-isip kaya naman naattract na siya ng todo rito.

    Obvious na happy ang relationship ng dalawa ngayon lalo pat tanggap na tanggap ng parents ni John si Maja. Idagdag pa rito ang pagiging close friends nila Camille, ang sister ni John, at ni Maja. Malamang ay naging malaking influence si Camille na mapasagot kaagad si Maja ni John dahil alam niyang mabuti ang intention sa kanya ng kuya nito.