John at Maja, MU?
By: ----
From: Abante Tonite   [December 20, 2005]


    Ayaw mag-assume ni John Prats na sila na ni Maja Salvador pero maraming nakakahalata na mukhang may MU na ang dalawa.

    Si Maja ang ka-date ni John sa premiere ng Ako Legal Wife kung saan puro positive ang feedback na natanggap ni John sa pagganap niya ng isang bading.

    Tsika sa amin ni John, nagsimula raw silang maging close at mag-date ni Maja nuíng maging magka-loveteam sila noon sa teleseryeng It Might Be You ng Dos.

    Nang mawala sa show si Maja at ilipat sa Spirits ay doon ito nagsimulang ma-link sa kapareha nitong si John Wayne Sace.

    Ngayon ay balik na ulit ang closeness nina John at Maja kaya sila ulit ang constant date. Nilinaw sa amin ni John na hindi totoong boyfriend ni Maja si John Wayne.

    Wala rin daw masama kung 21 y/o na si John at 17 y/o lang si Maja.

    Kahit successful ang pagganap niyang bading, kung maaari ay ayaw ma-typecast ni John sa gay roles dahil gusto raw niyang subukan lahat. Mukhang hindi pa raw niya kakayaning makipag-kissing scene o love scene sa kapwa niya lalake sa pelikula.

    Kung isang serious movie na talagang magandang project ay puwede raw niyang i-consider, pero saka na raw siguro kapag komportable na siya dahil ayaw niyang gawin ang isang bagay na hindi pa siya ganuín ka-confident at may inhibitions pa siya dahil baka hindi raw maganda ang kalabasan.

    Sa totoong buhay ay may bading sa pamilya nina John (ang daddy niya ay gay ang brother at lesbian ang sister) pero lusot daw ang kanilang fadir at sila ng kanyang younger brother.

    May mga kaibigang baklita si John at mabait siya sa mga gay pero sumusumpa siyang 100% na wala pa siyang karanasan sa bading!