May buhay pa ang career ni John Prats
By: Veronica R. Samio
From: Pilipino STAR Ngayon [February 27, 2005]


    Sa kabila ng patuloy na pagkawala ng kanyang mga ka-loveteam, patuloy na umaarangkada ang career ni John Prats, isang malaking patunay na hindi basta-basta nawawala ang isang may mukha at may talino gaano man kalakas na unos ang dumating sa kanyang buhay.

    Matapos mabuwag na muli ang kanilang tambalan ni Maja Salvador, heto si John at bini-build up bilang isang dance guru. Tuwing Linggo ay nagpapamalas siya ng kanyang talino sa pagsasayaw sa ASAP Mania. May bago na rin siyang titulo, Prince of Dance at isa sa mga hurado sa bagong reality show na Star Dance. Nakapagtataka lang na kung kinikilala ang kanyang mga moves and grooves sa dance floor ay bakit hindi pa siya ginawang isa sa mga atraksyon ng naturang dance show? Isa ako sa mga umaaasam na matagpuan na ni John ang kanyang tamang kalalagyan sa mundo ng showbiz dahil, sa totoo lang, isa siyang magaling na aktor.


list all articles